Con-con, gamitin sa Federalismo- Arsobispo

SHARE THE TRUTH

 257 total views

Umaasa si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na gagawin ang planong federal form of government ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng con-con o constitutional convention.

Ayon sa arsobispo, sa ulat na kanyang nakalap, isa ang pagpapalit ng Saligang Batas sa sentro ng SONA o State of the Nation Address ng Pangulo sa Hulyo 25 na tugon niya sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Iginiit ni Archbishop Cruz, dating Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mas maganda ang con-con dahil kasangkot dito ang taong-bayan sa pagbuo ng Chacha o Charter Change na pagpapakita ng demokrasya sa bansa.

“Ewan ko kung ito ay tama, ang pinaka-sentro na tatalakayin ng Pangulo sa SONA niya ay Federalismo na sagot niya sa BBL, kuwestiyon lamang kung magkakaroon tayo ng Federalism, gaganapin ba ito sa constitutional assembly o constitutional convention, pag con-ass siyempre sila-silang mahirap yun, mas maganda ang con-con its more democratic,” ayon kay Archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Una nang nagpahayag ng suporta ang CBCP sa pamamagitan ng noo’y Presidente nito na si Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo sa planong pag-amiyenda sa Konstitusyon noong 2006 sa pamamagitan ng con-con na dadaan subalit umaasa ito na hindi pulitika ang motibo sa cha-cha.
Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay ang supreme law ng Republika ng Pilipinas kung saan ang huling draft nito ay nakumpleto ng Constitutional Commission noong October 12, 1986 at naratipikahan sa pamamagitan ng plebisito noong February 2, 1987.

Ang Pilipinas ay may 18 rehiyon o 17 administrative at 1 autonomous at sa Federal form of government, lahat ng ito bibigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng federalism na hindi naman mababalewala ang national government.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,393 total views

 2,393 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,203 total views

 40,203 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,417 total views

 82,417 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,952 total views

 97,952 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,076 total views

 111,076 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,476 total views

 14,476 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 53,147 total views

 53,147 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 78,962 total views

 78,962 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 121,206 total views

 121,206 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top