Walang batas na nagbabawal sa Simbahan na makialam sa pulitika-Bishop Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,761 total reads

Malaya ang bawat Filipino na sumampalataya sa anumang relihiyon.

Ito ang paglalagom ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. bilang kahulugan ng ‘separation of church and state’ na paulit-ulit na pinupukol sa Simbahang Katolika.

Nilinaw ng Obispo na ang separation of church and state ay hindi pagtatakda ng opisyal na relihiyon ng bansa at hindi rin kinakailangang pagbatayan sa paghahanap ng trabaho o paglilingkod sa bayan.

Iginiit ni Bishop Bacani na bagama’t mayorya ng populasyon ng Pilipinas ay mga katoliko o katumbas ng 80 porsiyento ay malaya ang bawat Filipino na pumili ng kanilang relihiyon at paniniwalaan.

“Sa totoo lang, hindi rin ipinagbabawal na kumandidato ang isang pinuno ng isang relihiyon para sa isang puwesto ng gobyerno kumampanya para sa kaniyang sarili. Ang ating batas ay hindi nagbabawal na kumampanya ang sinumang taong simbahan para sa kandidatong gusto nya. ‘yan ang batas ng ating bansa,” ayon sa pahayag ni Bishop Bacani sa programang Veritas Pilipinas.

Sinabi ni Bishop Bacani na walang nagbabawal sa simbahan sa pagbibigay ng palagay tungkol sa iba’t ibang usapin sa lipunan.

Kilala ang simbahan sa pagpuna sa mga maling polisiya ng pamahalaan na binabatikos din ng ilan dahil sa pagkiling sa ilang kandidato ngayong halalan.

Una na ring binabatikos ang simbahan na pakikialam sa pulitika dahil sa personal na pagkiling ng ilang mga lingkod ng simbahan sa mga kandidato.

Inihayag pa ng obispo na hindi nag-eendorso ang simbahang katolika bilang institusyon subalit maaari ring isagawa kung walang matinong kandidato na para sa kapakanan at dignidad ng sambayanan.

“That is not an absolute truth, kung makikita ng simbahan na walang matinong kandidato kundi iisa para sa kapakanan ng sambayanan at dignidad ng tao pwede rin naman na ang simbahang na buo na manindigan pero yun ay ‘exceptional circumstance’ totoo yun. ‘Yun ay kung kinakailangan lamang talaga. Pero normally, hindi kinakailangang gawin ‘yun,” ayon pa kay Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 248,681 total reads

 248,681 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 280,394 total reads

 280,394 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,220 total reads

 382,220 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 422,781 total reads

 422,781 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 432,874 total reads

 432,874 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top