Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,722 total reads

WALANG ISAHAN

Homily for Thu of the 7th week of Easter, 16 May 2024, Jn 17:20-26
Totoong importante ang “unity” o pagkakaisa. Pero ang importanteng punto ng ating mga pagbasa ngayon ay ito lang: “Hindi lahat ng pagkakaisa ay mabuti.”
Ito ang palaisipan tungkol sa alamat ng Tore ng Babel sa Bibliya, di ba? Nagkakaisa daw ang mga tao noong unang panahon dahil iisang linggwahe lang ang salita nila. At pinagkaisahan nilang magtayo ng Tore na abot hanggang langit. Isang toreng sumisimbolo sa hangarin ng tao na mag-Diyos-Diyosan, na lampasan ang langit sa karunungan. Dahil mali ang pinagkakaisahan, binuwag daw ng Diyos.

Hindi ba pinagkaisahan din ng mga anak ni Jacob ang inggit at galit nila kay Joseph, kaya ibinenta ang sariling kapatid bilang alipin sa mga biyaherong patungong Egipto?
Sa unang pagbasa, nakita agad ni San Pablo na mababaw ang pagkakaisa ng mga Saduseo at Pariseo. Pinagkaisahan nila ang hangarin na mahusgahan siya ng parusang kamatayan sa Sanhedrin. Parang bombang pinasabog ni San Pablo ang tungkol sa doktrina tungol sa muling pagkabuhay na alam niyang sanhi ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo. Ayun, nagkawatak-watak sila.

Sa ebanghelyo, narinig natin ang panalangin ni Hesus para sa mga alagad niya, at para sa ating lahat na maniniwala sa patotoo nila. Panalangin ito para ating ikapagkakaisa—na upang maging matibay ito, dapat walang ibang maging pundasyon kundi ang pagkakaisa mismo ng Ama at Anak sa buklod ng Espiritu Santo. Sa pagkakaisang ito—doon tayo inilublob nang tayo’y mabinyagan.
Ito rin ang madalas sabihin ni Pope Francis tungkol sa pagiging simbahang sinodal. Na hindi lang ito tungkol sa pakikilakbay natin sa isa’t isa, kundi sa pakikilakbay ng Diyos sa atin upang maturuan niya tayong makilakbay nang tama sa isa’t isa.

Malapit na ang Pentekostes. Ang regalong bababa sa sangkatauhan na dulot ng pag-akyat ni Kristo sa langit. Siya lang ang magbubuklod sa tao at papawi sa sumpa ng Tore ng Babel. Siya ang magbubukas sa ating mga puso at isip upang sa ating pakikipagkapwa ay isilang ang buklod na tunay at matibay na pagkakaisa ng kanyang mga alagad at sugo.

Iyung palang slogan na walang iwanan ay dapat sabayan ng slogan na walang isahan. Hindi tunay ang kaisahan kung imbes na pagkakaisa, ito ay nauuwi sa isahan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,848 total reads

 57,848 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,046 total reads

 137,046 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,491 total reads

 170,491 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,790 total reads

 205,789 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,975 total reads

 429,975 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 15,025 total reads

 15,025 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,675 total reads

 20,675 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,935 total reads

 19,935 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top