VeritasPH

The Word, The Truth

Walang katumbas na halaga

SHARE THE TRUTH

 502 total views

Mga Kapanalig, matapos ipasara sa turismo sa loob ng anim na buwan ang Boracay, sinabi ni Pangulong Duterte na isasailalim niya ang buong isla sa repormang agraryo o agrarian reform. Nais daw niyang maipamahagi ang lupa sa mga magsasaka. Sa unang tingin, mukhang maganda ang hangarin ng pangulo, kahit na hindi naman malinaw kung may lupa roong angkop sa pagsasaka.

Ngunit lumitaw na iba pala ang gustong mangyari ni Pangulong Duterte. Sinabi niya noong nakaraang linggo na kapag naibigay na ang lupa sa mga magsasaka, maipagbibili nila ito sa mga negosyanteng papasok sa muling pagbubukas ng isla. Aniya, may pampalubag-loob naman daw ang mga magsasaka sa pagkawala ng kanilang lupa dahil makakahawak sila ng malaking halaga ng pera.

Ayon sa KAISAHAN, isang NGO na nagtataguyod ng repormang agraryo at kaparatan ng mga magsasaka sa pagkakaroon ng sariling lupa, ipinapakita ng pahayag ng pangulo ang kakulangan ng kanyang kaalaman tungkol sa tunay na layunin ng repormang palupa. Binigyang-diin ng KAISAHAN na ang repormang agraryo ay hindi tungkol sa negosyo; ito’y tungkol sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at pagkilala sa karapatan ng mga magsasakang matagal nang nakararanas ng panlalamang ng mga nagmamay-ari ng lupang kanilang sinasaka. Ang pagkakait sa kanilang ariin ang lupang kanilang sinasaka ay isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling isa ang mga magsasaka sa pinakamahihirap na sektor sa ating bansa sa kabila ng kanilang ‘di-birong pagbabanat ng buto. Dahil dito’y isinabatas noong 1988 ang Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law (o CARL), na nagtatag naman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (o CARP).

Dagdag pa ng KAISAHAN, maliban sa hindi malinaw sa pangulo ang diwa ng CARP, labag din sa batas ang kanyang iminumungkahi sa mga mabibigyan ng lupa. Sa ilalim ng CARL, bawal ipagbili ang lupang ipinamahagi ng pamahalaan sa mga benepisyaryo ng CARP sa loob ng sampung taon. Hindi rin nila ito maaaring i-convert o gamitin sa ibang bagay maliban sa pagsasaka. Kung matapos ang sampung taon at nais ipagbili ng mga magsasaka ang kanilang lupa, nakasaad sa batas na maaari itong bilhin ng pamahalaan.

Dapat din nating tandaang hindi lamang mga magsasaka ang nakatira sa Boracay. Nariyan ang mga kapatid nating Ati na dati nang naninirahan sa isla ngunit napagkakaitang pakinabangan ang lupa dahil hindi sa kanila nakapangalan ang mga titulo. Bilang mga indigenous peoples o katutubo, maituturing na ancestral domain nila ang isla. Dahil dito, bahagi ng kanilang pagkatao ang kanilang lupang tinubuan at pinagyaman ng kanilang mga ninuno, at kinikilala ito ng isa pang batas, ang Indigenous Peoples’ Rights Act (o IPRA). Malaking lamat sa kanilang pagiging mga katutubo ang ipagbili ang lupa para gawing negosyo gaya ng resort at ngayon nga’y mga casino.

Ang pagturing sa lupa bilang instrumento upang kumita ay pagbabalewala natin sa biyayang ito ng Diyos. Ang ipagkait ito sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-engganyo sa kanilang ipagbili ang kanilang lupa sa malalaking negosyo ay pagpapatuloy ng kawalang katarungan sa ating lipunan. Ang ipagkait ito sa mga katutubong nakaugat ang pagkatao at kultura sa lupa ay paglabag sa kanilang dangal at mga karapatan bilang tao at bilang pamayanan. Walang bahid ng pagsusulong ng katarungang panlipunan at ng pagkilala sa pagkatao ng mga katutubo ang layunin ng umano’y programang palupa ni Pangulong Duterte sa Boracay. (Bagamat kung tutuusin, matagal na itong nangyayari sa Boracay bago pa man ito ipasara; matagal nang naagawan ng lupa ang mga karapat-dapat na makinabang dito—unang-una rito ang mga Ati.)
Mga Kapanalig, walang katumbas na halaga ang lupang ipinagkaloob ng Diyos. Biyaya itong dapat pakinabangan ng lahat. Kung hahayaan ng pamahalaang mapasakamay ng iilan—maging ng mga dayuhan—ang lupa sa Boracay, huwad o peke ang “pagbabagong” nais nitong simulan sa isla.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,458 total views

 10,458 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,443 total views

 18,443 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,979 total views

 25,979 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,964 total views

 41,964 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,008 total views

 50,008 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 10,459 total views

 10,459 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 18,444 total views

 18,444 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,980 total views

 25,980 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,965 total views

 41,965 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 50,009 total views

 50,009 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,886 total views

 45,886 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,311 total views

 44,311 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,097 total views

 46,097 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,022 total views

 43,022 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,336 total views

 57,336 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,026 total views

 61,026 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,629 total views

 59,629 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,616 total views

 69,616 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,584 total views

 73,584 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,471 total views

 84,471 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top