Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang synodality kapag nakasentro ang paglilingkod sa sarili, babala ni Cardinal Tagle sa kaparian

SHARE THE TRUTH

 3,896 total views

Nagbabala si Cardinal Luis Antonio Tagle na nasisira ang tunay na diwa ng synodality kapag nakasentro sa sarili ang paglilingkod sa Simbahan sa halip na nakatuon kay Kristo.

Sa kanyang mensahe sa mga pari sa 47th Diocesan Clergy of Mindanao Assembly na ginanap sa Zamboanga City mula February 10 hanggang 12, iginiit ng pro-prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization na ang pagiging sentro ng sarili ang pinakamalaking banta sa sama-samang paglalakbay ng Simbahan.

“Synodality is destroyed when we start walking, comporting ourselves, behaving as though we were the center of the world,” ayon sa pahayag ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ng kardinal na ang synodality ay hindi simpleng pagbuo ng mga komite o istruktura kundi isang espirituwal na paglalakbay na nakaugat sa tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

“But without the proper and authentic spirituality, which will be the root of a renewed pastoral exercise, exercise of pastoral authority, and service, there will be no synodality. It is not just about creating more committees, commissions, and bodies of consultation… without the spirit of walking humbly with God and with one another, nothing will happen,” giit ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na ang halimbawa ni Hesus, ang Diyos na nagpakababa at nakisama sa mga makasalanan, mahihirap at nasa laylayan ang dapat na maging huwaran sa pamumunong pastoral ng mga pari.

“How do we exercise our sacred ministry? Is it with pride? Even with intimidation? Or is it with the spirit of humility, with the spirit of justice and love?” hamon ng kardinal sa mga pari.

Inihalimbawa rin niya ang mensahe ni Propeta Micah, na ang paglalakad kasama ang Diyos ay nangangahulugan ng pag-ibig sa katarungan at kabutihan.

Samantala, binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Eukaristiya bilang sentro sa paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality.

“The image of the Church journeying in synodality is an especially apt expression of our mission to lead people toward the Kingdom of God, remembering always and keeping in mind the centrality of the Eucharist,” ayon sa mensahe ni Archbishop Brown.

Paliwanag ni Archbishop Brown, ang Eukaristiya ang lakas at pagkain ng Simbahan sa kanyang paglalakbay kasama si Kristo.

Aniya, ang salitang synodality ay tumutukoy sa paglalakad nang magkakasama.

Pinuri rin ng kinatawan ng Santo Papa ang mga pari ng Mindanao sa kanilang pagtitipon bilang pagkakataon upang makinig sa isa’t isa at pag-ibayuhin ang paglilingkod sa lokal na Simbahan.

“Your convention is a privileged moment for you, as priests, to come together, listen to one another, and share experiences and insights on how best to serve our Catholic people at this specific moment in history,” ani Brown.

Dumalo sa 47th DCM Assembly ang humigit kumulang 800 mga pari kasama ng mga obispo sa 22 ecclesiastical territories ng Mindanao region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Epal no more

 23,847 total views

 23,847 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 47,373 total views

 47,373 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 65,100 total views

 65,100 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 142,148 total views

 142,148 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 163,052 total views

 163,052 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Norman Dequia

PCG spokesman, ipinagtanggol ni Archbishop Villegas

 4,135 total views

 4,135 total views Mariing nagpahayag ng suporta si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela sa patuloy nitong pagtatanggol sa soberanya

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top