PCG spokesman, ipinagtanggol ni Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,439 total reads

Mariing nagpahayag ng suporta si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela sa patuloy nitong pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ng arsobispo ay kasunod ng umiigting na tensyon at panggigipit ng China sa mga Pilipinong mangingisda at mga tauhan ng pamahalaan na nagbabantay sa karagatang sakop ng bansa.

Sa isang social media post, kinondena ni Archbishop Villegas ang mga agresibong hakbang ng China laban sa Pilipinas.

“China has seized vast seas, bullied fisher folk from traditional grounds with water cannons on frail bancas, injured our personnel, and militarized islands near our shores—violating our right to peace,” ayon kay Archbishop Villegas.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang usapin sa West Philippine Sea ay hindi lamang pampulitika kundi isa ring usaping moral at pastoral.

Pinuri rin ni Archbishop Villegas ang matatag na paninindigan ni Tarriela sa pagtatanggol sa maritime zones ng bansa alinsunod sa international at domestic law.

“This is not merely political but profoundly pastoral, affecting present and future generations’ well-being. I personally admire your fearless defense of our maritime zones, sovereign by international and domestic law,” dagdag pa ng arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na ang paninidigan ng Simbahan ay nakabatay sa Catholic social teaching hinggil sa dignidad ng tao at pagtatanggol sa karapatan.

“The Church teaches that every person has ‘the natural right to be recognized as a free and responsible being,’ with freedom protected for the common good. Justice, inseparable from charity, demands defending legitimate rights,” ani ng arsobispo.

Sa kabila ng mga kritisismo mula sa ilang sektor, tiniyak ni Archbishop Villegas ang patuloy na pananalangin ng Simbahan para sa mga pinuno ng bansa na manindigan para sa kapakanan ng mamamayan.

“Despite shaming from pro-China politicians, your stand safeguards God’s people and future Filipinos. We salute your principled statesmanship and fidelity to oath,” saad ng arsobispo.

Dalangin ni Archbishop Villegas ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria, lalo na sa Stella Maris o “Our Lady, Star of the Sea,” para sa kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino at mga uniformed personnel na nagbabantay sa karagatan.

Patuloy ang panawagan ng Simbahan para sa pangangalaga sa dignidad ng tao, katarungan at kapayapaan sa gitna ng umiigting na tensyon sa West Philippine Sea, isang usaping may direktang epekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa kinabukasan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,271 total reads

 78,271 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,922 total reads

 112,922 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,222 total reads

 148,222 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 374,491 total reads

 374,491 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,668 total reads

 263,668 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top