2,684 total views
Magsasagawa ng lokal na Walk for Life 2025 ang Diocese of Tarlac sa pangunguna ng Tarlac Diocesesan Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay.
Isasagawa ang gawain sa darating na Sabado, ika-29 ng Marso, 2025 mula alas-singko hanggang alas-nuebe ng umaga.
Sa ilalim ng pangkabuuang tema ng Walk for Life 2025 na “Walk for Life. Walk for Hope” ay umaasa ang Diyosesis ng Tarlac na makiisa ang mga mananampalataya sa diyosesis sa mariing paninindigan para sa pagsusulong ng dignidad at kasagraduhan ng buhay, laban sa anumang banta sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.
“Life is a sacred gift, meant to be cherished and protected. As we walk together for the Walk for Life 2025, we stand for the dignity of every soul, the unheard voices, and the hope that every life deserves. With each step, we affirm our commitment to faith, love, and the value of every heartbeat. Join us on March 29, 2025, as we walk from Tarlac City Plazuela at 5:00 AM to San Sebastian Cathedral for a Holy Mass led by Most Rev. Roberto C. Mallari, D.D. Let this be more than just a walk, let it be a movement of faith, unity, and unwavering hope.” Paanyaya ng Tarlac Diocesesan Council of the Laity.
Itinakda bilang assembly points ng mga makikibahagi sa Walk for Life 2025 sa Tarlac City Plazuela patungo sa San Sebastian Cathedral, Tarlac City kung saan magkakaroon ng maikling programa bago ang isasagawang banal na misa na inaasahang pangungunahan ni Tarlac Bishop Roberto Mallari.
Nauna ng isinagawa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang Walk for Life 2025 sa Manila Cathedral noong ika-23 ng Pebrero, 2025 kung saan pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa para sa may 4-na libong nakibahagi sa taunang gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.