Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

War on drugs ng administrasyong Duterte, panakot lang sa kalaban

SHARE THE TRUTH

 235 total views

Hinamon ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pamahalaang Duterte na patunayang tunay silang laban sa illegal na droga.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, dapat may napanagot nang drug lord at natigil na rin ang illegal drug trade sa bansa.

“Kung talagang mamapatunayan nila na against sila sa drugs may mga patunay sila na may mga drug lord na nahuhuli at natitigil ang suplay ng drugs,” ayon kay Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na marami nang pinatay na small time pero walang na-convict na mga drug lords.

“Seryoso ba sila talaga sa pagtanggal ng droga o ginamit lang nila ang droga pampanakot sa kalaban nila?” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

Giit ng Obispo, marami na ang napatay na hinihinalang users at pushers subalit mas dapat na tutukan ang mga ‘supplier’ o ang mga drug lords.

Kinuwestyon din ng obispo ang pagpapawalang sala sa mga hinihinalang drug lords na sina Peter Lim; Peter Co; Kerwin Espinosa at iba pang drug personalies

“Kaya nga dapat ipaalam sa atin bakit clear? Ano ang dahilan. Kung wala namang dahilan at sila’y nakaclear pero wala pa silang nako-convict na drug lord ang dami nang pinatay,” ayon kay Bishop Pabillo.

Una na ring umalma ang Philippine National Police (PNP) sa inilabas na desisyon ng prosecutor general ng Department of Justice (DoJ) noong December 2017, bagama’t ito ay inilabas at natanggap lamang noong February 2018.

Ang mga nabanggit ding personalidad ay pawang kabilang sa ‘drug lists’ ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tala ng mga human rights advocates may 13,000 na ang naitatalang napapatay ng mga hinihinalang may kinalaman sa droga kasama na rito ang 4,000 napatay sa police operations.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 89,100 total views

 89,100 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,875 total views

 96,875 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 105,055 total views

 105,055 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,550 total views

 120,550 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,493 total views

 124,493 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 26,813 total views

 26,813 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top