Mamamayan, inaanyayahang sumali sa solar lamp making workshop ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Inanyayahan ng Archdiocese of Manila Ministry on Ecology ang mga mananampalataya na dumalo sa Solar Lamp Making workshop na gagawin sa sabado ika-17 ng Marso.

Paliwanag ni Lou Arsenio – Lay coordinator ng grupo, ito ay inisyatibo ng simbahang katolika upang maitaguyod sa munting pamamaraan ang paggamit sa renewable energy.

Bukod dito, sinabi ni Arsenio na ito ay bilang pakikiisa ng simbahan sa nalalapit na pagdiriwang ng Earth Hour, kung saan magagamit ng mga lalahok ang Solar Lamps sa kanilang tahanan sa loob ng isang oras na pagpapatay ng mga ilaw.

“Dahil Earth Hour sa March 24, mayroon tayong training workshop at assembling ng solar night lamp, kayo ang gagawa ng inyong solar lamps. Sa Earth hour hindi tayo gagamit ng kuryente, kundi iilawan natin ang bahay gamit ang solar lamp na ating gagawin.” Ang bahagi ng pahayag ni Arsenio sa Radyo Veritas.

Samantala, kasabay nito ay magsasagawa rin ng eco-bricking training workshop ang Ecology Ministry upang maturuan ang mamamayan kung paano mapakikinabangang muli ang tone-toneladang tambak na mga plastic na basura sa kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Arsenio na ang eco-bricking ay isang malikhaing pamamaraan upang ma-recycle ang mga inaakala nating wala nang silbi at patapon na lamang na mga plastic bottles.

“Iniimbitahan namin lahat ng mga interesadong tumulong para mabawasan o mabigyan ng solusyon yung ating plastic pollution. Magkakaroon tayo ng eco-bricking training workshop sa March 17 – 8am to 5pm. Ito ay libre at magdala lamang po ng sariling pagkain at ibang gamit.” Dagdag pa ni Arsenio.

Ayon kay Arsenio, sinumang nais makilahok sa eco-bricking workshop ay maaaring magpunta sa tanggapan ng RCAM Ecology Center.

Samantala, limitado lamang ang maaaring makalahok sa Solar Lamp making kaya naman inanyayahan ang mga interesado na magpatala ng maaga sa pamamagitan ng pagtawag o pagtext sa numerong 0908 869 0211.

Ang dalawang programa ng Archdiocese of Manila Ecology Ministry ay sabay na isasagawa sa ika-17 ng Marso, araw ng Sabado, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa RCAM Ecology Center sa Caritas Manila Compound, Pandacan Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,383 total reads

 86,383 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,269 total reads

 120,269 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,568 total reads

 155,568 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,838 total reads

 381,838 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,681 total reads

 270,681 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,942 total reads

 36,942 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,833 total reads

 29,833 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top