Isabuhay ang corporal works of mercy sa paggunita ng kuwaresma at semana santa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Inaanyayahan ni Marawi Bishop Dela Peña ang mga mananampalataya na isagawa ang ‘corporal works of mercy’ sa paggunita ng Semana Santa at kuwaresma.

Ayon sa Obispo, ito upang maging makahulugan ang ginagawang paggunita sa sakripisyo ni Hesukristo na ating manunubos at iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan.

“Gawin natin ang corporal works of mercy sa halip na we simply do the traditional exercises like fasting. Fasting is good but maybe the kind of fasting that would benefit our brothers and sisters ganun ang mas makabuluhan na sacrifice,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Kabilang sa corporal works of mercy ay ang pagpapakain sa mga nagugutom, pagdalaw sa mga may sakit at mga namatay.

Sa ganitong paraan ayon kay Bishop Dela Peña ay mamumulat ang bawat isa sa katotohanan na dapat nating kalingain at pagmalasakitan ang ating kapwa.

“Translate natin sa social awakening, ‘yung magiging aware tayo maging bukas tayo sa katotohanan na ‘we are responsible to one another that we are our brothers keeper’. Let us be more socially aware and socially involve,” dagdag pa ng Obispo.

Inihalimbawa ni Bishop Dela Peña ang pagtulong sa mga internally displaced people (IDP’s) sa Marawi City, lalu’t marami pa rin ang hindi nakakatiyak kung kailan makakabalik sa kanilang tahanan matapos na masira ng limang buwan na digmaan ang kanilang lugar.

Bagama’t tapos na ang digmaan ay hindi pa nakakabalik ang mga residente mula sa may 24 barangay na bahagi ng ground zero o lugar na naging sentro ng barilan sa pagitan ng mga terorista at mga otoridad na nangangailangan pa rin ng tulong.

Buwan ng Mayo nang lusubin ng Maute-Isis group ang Islamic City of Marawi kung saan higit sa 300,000 ng mga residente ang lumikas at umaabot naman sa higit 1,000 ang kabuuang napatay sa bakbakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 89,643 total reads

 89,643 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,142 total reads

 123,142 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 158,441 total reads

 158,441 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,711 total reads

 384,711 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 273,437 total reads

 273,437 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,306 total reads

 13,306 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top