Kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte, bigo at walang kredibilidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Kabiguan at kawalan ng kredibilidad ng kampanya kontra droga ng pamahalaang Duterte ang pagsasantabi ng kaso ng Department of Justice (DoJ) sa mga hinihinalang drug lords.

Ayon kay dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay,ang pangulo mismo ang nagsabi na si Peter Lim ay isang drug lord at kabilang sa mga kaniyang talaan ng mga ‘drug personalities’.

Sa inilabas na resolusyon ng DoJ isinantabi ang kaso laban kina Cebu-based businessman Peter Lim; self-confessed drug pusher na si Kerwin Espinosa; convicted drug na si Peter Co at iba pang drug personalities.

“May malaking problema kasi ang sinasabi ng prosecutor general ay mali ang impormasyon ng presidente nung siya ay nag-aakusa. Dahil sinasabi ng presidente meron syang listahan ng mga drug lord wala na pong kredibilidad ang listahan na ‘yun. That’s assuming na tama ang assessment nung prosecutor general in the first place,” ayon sa pahayag ni Hilbay.

Paglilinaw din ni Hilbay na ang desisyon ng DoJ sa pamamagitan ng prosecutor general ay inilabas noong December 20, 2017 at itinago lamang sa publiko.

“Pagnireverse ng Secretary of Justice alam naman nila na binago lang dahil may public pressure. Alam nyo po dapat tandaan na itong desisyon ng prosecutor general Dec.20, 2017 tinago sa mamamayan ng tatlong buwan,” ayon pa kay Hilbay.

Sa isang pahayag ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sinabi nitong hindi patas ang ‘due process’ sa bansa sa pagitan ng mga hinihilang drug lords at small time drug pushers.

Ayon kay Bishop David na siya ring vice-president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mahihirap na suspected drug pushers na napaslang ay hindi man lamang nabigyan ng due process.

Sa tala ng human rights advocates, may 13,000 na ang bilang ng extra judicial killings o pinatay na may kaugnayan sa ilegal na droga kabilang na dito ang higit sa 4,000 na napatay sa police operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,378 total reads

 86,378 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,264 total reads

 120,264 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,563 total reads

 155,563 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,833 total reads

 381,833 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,676 total reads

 270,676 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,034 total reads

 13,034 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top