Kawalan ng angkop na pabahay sa mamamayan, malalang problema sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Napakalawak ng problema o suliranin ng kawalan ng naaangkop na pabahay para sa mga mamamayan.

Ito ang inihayag ni Fr. Daniel Franklin Pilario, CM – Dean ng Saint Vincent School of Theology kaugnay sa isinagawang Global Homelessness Forum na dinaluhan ng mga kasaping kongregasyon ng Vincentian family.

Ayon sa Pari, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng Simbahan, pamahalaan, civil society groups at maging ng mga komunidad upang matugunan ang problema ng pabahay sa ating bansa.

Paliwanag ni Fr. Pilario, mas magiging malawak ang matutulungang mga pamilya na walang sariling tahanan kung magsasama-sama ang lahat sa iisang layunin mapagkalooban ng permanenteng tahanan ang bawat pamilyang Filipino.

“dahil napakacomplex ang problema ng walang pabahay, ng homelessness ito’y kailangan ng response ng lahat ng sektor ng lipunan hindi lamang ng Simbahan, hindi lamang ng Vincentian Family kundi ng gobyerno, ng civil society at ng napakaraming taong tumutugon na sa homelessness. all this times we have been addressing the problem but individually pwede bang magsama-sama tayo? Gobyerno, Simbahan at saka Civil Society upang tugunan ito na ngayon”. pahayag ni Fr. Pilario sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito batay sa Global Homeless Statistics, 44 na porsyento ng mga Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro Manila.

Batay naman sa tala ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) nasa 5.5-milyong kabahayan pa ang kinakailangang ipatayo para sa mga mahihirap na Filipino at higit 1.4 na milyong kabahayan para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Samantala, inaasahang patuloy pang isusulong ng kongregasyon ang adbokasiya nito sa pagkakaloob ng mga tahanan sa bawat pamilyang Filipino bilang bahagi narin ng paggunita sa ika-400 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Vincentian Family.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,381 total reads

 86,381 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,267 total reads

 120,267 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,566 total reads

 155,566 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,836 total reads

 381,836 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,679 total reads

 270,679 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top