Hindi magandang habit ang pagpapaliban ng Barangay at SK elections-PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Naninindigan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagtutol sa muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Binigyan diin ni Atty. Rene Sarmiento, national president ng PPCRV hindi na makakabuti ang patuloy na pagkakaantala ng halalan

“Hindi po maganda. Ito nga ay for the 3rd time na at mukhang nagiging past time at habit na ito. Ang isang katangian ng isang demokrasya ay periodic at regular election para mapalitan ang mga hindi nababagay sa panunungkulan at palitan ng mga mahuhusay,” ayon kay Sarmiento.

Taong 2016 nang ipagpaliban ang Barangay at SK elections, at muling ipinagpaliban noong October 2017 nang lagdaan ng pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng halalan sa Mayo 2018.

Tiniyak naman ni Sarmiento na patuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng P-P-C-R-V para sa nakatakdang halalan sa Mayo sa kabila ng isinusulong na pagpapaliban ng Mababang Kapulungan.

Higit sa 800,000 voters ang nagparehistro para sa nakatakdang 2018 election ayon sa Commission on Elections habang higit naman sa 40,000 ang bilang ng mga barangay sa buong Pilipinas.
Kabilang din sa isinagawang paghahanda ng PPCRV ang information campaign para sa tamang pagboto, maging ang pagkakaroon ng mga talakayan kaugnay na naman sa usapin ng Federalism.

Layon nito na bigyang kaalaman ang mga botante hinggil sa pederalismo kaugnay na rin sa posibleng pagpapalit ng government system ng bansa mula sa pagiging demokrasya.

Sang-ayon sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang malayang pagpili ng mga kandidato at pagboto ay karapatan ng bawat mamamayan na hindi dapat pigilan at bagkus ay dapat itaguyod at pangalagaan ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,479 total reads

 84,479 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,617 total reads

 118,617 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,917 total reads

 153,917 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,186 total reads

 380,186 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,109 total reads

 269,109 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,927 total reads

 12,927 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top