VeritasPH

The Word, The Truth

Makabayang Tatay Digong?

SHARE THE TRUTH

 149 total views

Mga Kapanalig, matatandaang sa isang debate ng mga tatakbo noon sa pagkapangulo, umani ng palakpakan si Digong Duterte dahil sinabi niyang handa raw niyang isakripisyo ang kanyang buhay para sa bayan. Sasakay daw siya ng jet ski at magtitirik ng watawat ng Pilipinas sa Scarborough Shoal kung hindi kikilalanin ng China ang pasya ng Permanent Court of Arbitration na nagsasabing walang batayan ang nine-dash line na ginagamit ng China upang angkinin ang mga islang nakapaloob sa ating teritoryo.

Isa iyon sa mga maraming hyperbole o eksaherasyon ng sikat nating pangulo, at sinabi niyang paraan lamang iyon ng pagbibigay-diin sa kanyang pangakong hindi niya isusuko ang pag-angkin ng ating bansa sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea. At siya na mismo ang nagsabi: kalokohan lamang daw ang pagsakay niya sa jet ski.
Isantabi natin ang tungkol sa jet ski at subukan nating seryosohin ang sinasabi niyang pagmamahal sa bayan, isang katangiang nakita ng 16 na milyong ibinoto si “Tatay Digong”. Handa nga raw siyang mamatay para sa teritoryo ng Pilipinas, ayon sa tagapagsalita ng pangulo noong nakaraang linggo.

Ngunit si Pangulong Digong na rin ang nagsabi: maituturing na “co-ownership” ang alok ng China na joint exploration sa West Philippine Sea. Pilipinas at China raw ay kapwa may-ari ng mga isla at katubigan. Sa halip na igiit daw natin ang pagmamay-ari sa mga isla sa loob ng ating exclusive economic zone at makipag-giyera sa isang bansang kasinlaki ng China, mas mainam daw na makipagtulungan sa China.

Kumbaga sa magkapitbahay, kung may isang nakakita ng mabungang puno sa iyong bakuran, siguro ay bibigyan mo siya ng ilang bunga kung ito ay makikiusap na matikman ang prutas ng iyong puno. Ngunit paano kung gusto pala ng kapitbahay mong angkinin ang puno? Aalma ka siyempre. Subalit mapilit ang iyong kapitbahay at nagiging agresibo na ito upang maangkin ang iyong puno. Idinulog mo ang isyung ito sa inyong barangay na nagsagawa ng pagdinig hanggang sa atasan nito ang iyong kapitbahay na igalang ang iyong pagmamay-ari sa puno. Ngunit talagang mapilit ang iyong kapitbahay, at nagtali ito sa iyong puno ng mababangis na aso upang hindi mo ito malapitan. Susuko ka na lang ba dahil ayaw mong makagat ng aso? O iisipin mo rin bang magpakawala rin ng mga asong aatake sa mga aso ng iyong kapitbahay?
Kung si Pangulong Digong ang tatanungin, baka hahayaan na lamang niyang pakinabangan ng iyong kapitbahay ang puno, sa pag-asang bibigyan ka rin ng ilang bunga ng itinanim mong puno. Wala rin naman daw maibabatbat ang iyong mga aso sa mga aso ng iyong kapitbahay. Hindi niya maiisip na iakyat ang kaso sa hukuman dahil suko na siya sa aso ng kapitbahay.

Magandang katangian para sa ating mga Kristiyano ang pagiging mababang-loob at mapagkumbaba. Ngunit iba ito sa walang kibong pagtiklop sa mga tao o grupong walang ibang layunin kundi ang abusuhin ang kanilang kapwa upang sila’y maging malakas at makapangyarihan. Hindi rin naman natin hinihikayat ang pagiging agresibo laban sa mga agresibo sa atin, hindi tayo humihiling na makipag-giyera sa iba. Naniniwala tayong may mapayapang solusyon sa anumang hidwaan at upang maigiit natin ang ating mga karapatan nang hindi inaapakan ang ating dignidad.

At ganito rin sa ugnayan natin sa ibang bansa. Wala tayong nakakamit sa pakikidigma, ngunit kung titiklop na lamang tayo sa kagustuhan ng ibang bansa dahil minamaliit natin ang ating kakayahang pumasok sa negosasyong mahinahon at nakabatay sa katwiran at ebidensya, hindi ba’t interes ng mas malaking bansa ang ating isinusulong sa halip na ang interes ng ating bayan. Sa tingin mo, Kapanalig, kaninong interes ang naisusulong kapag hahayaaan nating maging “co-ownership” ang tinatawag ng pamahalaang joint exploration sa China?
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,071 total views

 13,071 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,056 total views

 21,056 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,592 total views

 28,592 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,577 total views

 44,577 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,621 total views

 52,621 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 13,072 total views

 13,072 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 21,057 total views

 21,057 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 28,593 total views

 28,593 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 44,578 total views

 44,578 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 52,622 total views

 52,622 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,094 total views

 46,094 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,519 total views

 44,519 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,305 total views

 46,305 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,230 total views

 43,230 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,544 total views

 57,544 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,234 total views

 61,234 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,837 total views

 59,837 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,824 total views

 69,824 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,792 total views

 73,792 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,679 total views

 84,679 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top