Administrasyong Duterte, hinamong maging seryoso at patas sa kampanya kontra droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total reads

Hinamon ng grupong Rise up for Life and for Rights ang Administrasyong Duterte na maging seryoso at patas sa kampanya nito laban sa illegal na droga.

Ayon kay Rev. Fr. Gilbert Billena – Spokesperson ng grupong nangangalaga at gumagabay sa pamilya ng mga biktima ng War on Drugs, kung talagang seryoso ang Duterte Administration na masugpo ang kalakalan ng illegal na droga ay dapat na mapanagot sa batas ang mga sinasabing drug lords sa bansa.

Paliwanag ng Pari mas malaki ang kasalanan sa lipunan ng mga drug suppliers at mga drug lords kesa sa mga maliliit na drug pushers, runners at user na nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

“ito yung quick reaction namin sa ganitong sitwasyon ngayon, sa nangyari na gaano ba talaga kaseryoso ang Duterte Administration sa pagsugpo sa droga o baka isang drama lang ito sa politika na parang pamamaraan so we challenge this government to be serious enough to prosecute those alleged and suspected drug lords at papanagutin sila sa batas hindi lang yung mga mahihirap kundi sila yung mayayaman at sila yung mas may malaking kasalanan sa ating bayan…” pahayag ni Fr. Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit pa ng Pari, kawalang katarungan para sa mga namatayan at mga biktima ng drug related killings ang implikasyon sa lipunan ng pag-absuwelto ng Department of Justice o DOJ sa kasong drug trafficking laban sa mga suspected drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at ilan pang mga alleged drug personalities.

Dagdag pa ni Fr. Billena, isang malaking kabalintunaan sa kredibilidad ng pamahalaan at ng kampanya nito laban sa droga ang naging desisyon ng DOJ.

“isang malaking injustice ito una sa mga namatayan, sa mga taong pinaslang dahil sa kanilang drug trade and now the government is dismissing their case so nagtatanong agad kami, seryoso ba talaga ang gobyerno sa pagsugpo ng droga kapag ganun o itong War on Drugs ay para lang talaga sa mahihirap at hindi sa mayayaman…” Ayon kay Fr. Gilbert Billena.

Ayon pa kay Fr. Billena, napaka-kwestyunable, hindi kapani-paniwala at hindi katanggap-tanggap ang pagkaka-absuwelto ng DOJ sa mga high value drug personalities sa kabila ng kanilang pag-amin sa imbestigasyon sa Kamara at Senado sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

“hindi kami makapaniwala na ganun po ang nangyayari na dinissmiss nila ng basta basta, at nakita at narinig natin sa Senado kasama na yung sa Congress that they are self-confess talaga na mga drug lord and then here comes now na dinismiss yung kanilang kaso at marami ng pinaslang na aabot na ng 20,000 at ganun lang ang pagdismiss nila ng kaso sa mga suspect na ito na mga drug lord…” Dagdag pa ni Fr. Gilbert Billena.

Matatandaang umamin mismo si Kerwin Espinosa sa isinagawang Senate Hearing sa kanyang pagiging supplier ng illegal drugs sa Visayas habang mismong pinangalanan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Peter Lim na kabilang sa kaniyang listahan ng drug lords sa bansa.

Bukod kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co, abswelto rin sa pagkakasangkot sa ilegal drugs trade ang nasa 20 pang mga alleged drug personalities sa bansa.

Samantala, nauna nang napahayag ng pagkadismaya si CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa hindi patas o ‘selective due process’ sa pagitan ng mga hinihinalang drug lords, small time drug pushers at mga pinaghihinalaang lulong sa ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 841 total reads

 841 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,417 total reads

 36,417 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,901 total reads

 72,901 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,112 total reads

 91,112 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,404 total reads

 175,404 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,545 total reads

 38,545 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top