VeritasPH

The Word, The Truth

Women are not commodities! Stop sex commercialization

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Nananawagan ang Religious of the Good Shepherd o RGS sa pamahalaan na magpatupad ng “Zero tolerance for buyers of sex sa Pilipinas.

Hinimok ng RGS ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Ehekutibo at mga Local Government Unit (LGUs) na lumikha ng batas na magpaparusa sa mga nagsusulong ng commercialized sex at mga nagbabayad para sa isang sexual act.

“Condemn state sponsorship of prostitution; reject the legalization of prostitution. Call for laws that do not criminalize a prostituted person but prosecutes those who sponsor commercialized sex and those who purchase sexual acts from other persons”. panawagan ng RGS

Ikinababahala ng RGS ang laganap na “human trafficking” bilang isang criminal industry na naging dahilan ng lumalalang prostitution sa Pilipinas.

Itinuturing ng RGS ang “prostitution of women and girls” na gender violence kung saan ang tingin ng mga lalaki at lipunan sa mga babae ay isang commodity lamang.

Ikinalulungkot din ng RGS ang pagtanggap ng pamahalaan sa prostitution bilang isang work agenda o propesyon.
Naninindigan ang RGS na kung hindi pinapayagan ng pamahalaan at hindi tinatangkilik ng mga lalaki ang “flesh trade” ay walang tinatawag na “sex workers” o “prosti” at walang prostitution industry.

Tinukoy ni Sister Ailyn Binco, Mission Development Coordinator ng St. Mary Euphrasia Integrated Development Foundation, Inc. (the social welfare and development foundation of RGS) ugat ng prostitution sa Pilipinas tulad ng kahirapan, patriarchy, male privilege, extreme wealth, racist attitudes, militarization, ecological degradation, kawalan ng family support, kawalan ng maayos na migration policies at mataas na sex demand ng mga lalaki.

Kinatigan ng RGS ang United Nations 1949 Convention for the Suppression of the Traffic in Persons and of the Exploitation of the Prostitution of Others na itinuturing ang prostitution na paglapastangan sa dignidad ng tao at nagdudulot ng panganib sa kapakanan ng isang indibidwal, pamilya at komunidad.

MARTA’S KITCHEN

Para sagipin ang mga babaeng binansagang “sex workers o prosti”, sa pakikipagtulungan sa Saints Peter and Paul Parish, Makati at Natioanl Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran church ay itinatag ang “Marta’s kitchen”.

Ayon kay Sister Binco, layunin ng Marta’s kitchen na makiisa at makilakbay sa mapait na dinaranas ng mga babaeng nasasadlak sa prostitusyon sa bansa, lalo na sa may P. Burgos Makati area at Pasay.

Tuwing alas-tres ng madaling araw ay pinapakain ng RGS sisters katuwang ang mga social worker volunteer at mga layko ng parokya ang mga prosti bilang pakikiisa sa kanilang kalagayan.

Ibinahagi ng Madre na upang personal na makisalamuha at makadaupang palad ang mga prosti ay madalas na binibisita at pumapasok ang kanilang grupo sa mga bahay aliwan.

Tinutungo ng RGS ang Olongapo, Pampanga, Ermita, Quezon Ave., Batangas, Cagayan de Oro at Cebu.

DROP-IN CENTERS

Ang advocacy campaign na “drop in center” ay lugar kung saan maaring magpahinga ang mga “prosti” at lugar ng counselling at spiritual formations.

SHELTER CARE

Sa Healing naman itinatayo ang Shelter Care – dito pansamantalang maninirahan ang mga rescued prostituted women habang tinutugunan ang kagalingang pisikal, emosyonal at ispiritwal kabilang na dito ang skills training at edukasyon.

AFTER CARE

Habang napapaloob naman sa “after care” ang family reintegration, independent living, job assistance/placement, at educational assistance.

Naninindigan ang RGS na ang prostitusyon “is exploitative and is never part of a decent work agenda. The idea that women are commodities available to be consumed and exploited has no place in a society striving for gender equality. Rejects any notion of “child prostitution”. Reject the notion that a person in prostitution is a “sex worker”. We express solidarity with those who are vulnerable to being the objects of prostitution. We seek to listen to the experiences of these persons, accompany them in their personal journeys and develop, with them, holistic programs to meet their needs. We support women and girls in healing, self-sufficiency through employable skills, economic and personal growth opportunities, and reconciliation with often-estranged families.

Naniniwala si Sr.Binco na bagamat napakahirap ang kanilang mithiin na mai-ahon at maalis ang mga prosti sa pagbibenta ng panandaliang aliw sa mga lalaki ay kanilang naipapadama sa mga ito ang pag-ibig ng Diyos.

Ikinalugod ng madre na sa ilang taong adbokasiya ng kongregasyon katuwang ang mga barangay, health centers para sa hygiene checkup at sa City/Municipal Social Welfare and Development offices, matagumpay itong nailigtas ang mga kababaihan na sa kasalukuyan ay may kanya-kanyang propesyon.

Kaugnay nito, sa kanyang Apostolic visit sa Thailand, nanawagan si Pope Francis ng respeto para sa mga “prosti” at biktima ng human trafficking.

Ayon sa Santo Papa, ang mga kabataan at babaeng biktima ng prostitution ay bahagi ng ating pamilya, mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan na dapat samahan at makilakbay sa kanilang mapait na karanasan at kalagayan.

Hiniling ni Pope Francis sa lider ng mga bansa na protektahan ang mga kabataan at kababaihan sa pananamantala ng ilang negosyante at pulitiko sa kanilang kahinaan.

Panoorin at alamin ang mapait na katotohanan na dahilan kung bakit naging bilanggo ng prostitution ang mahigit sa 500,000 Filipina sa dokumentaryo ng TV Maria na ipapalabas sa Sky cable 210, Destiny cable 96, Sky direct 49 at Satlite 102 sa ika-25 ng Nobyembre 2019.

Sa iba pang karagdagang impormasyon sa masaklap na dinaranas ng mga babaeng biktima ng maunlad na “sex commercialization” sa bansa, bisitahin ang veritas846.ph at www.rcam.org na itinanghal na best Diocesan website sa ikaapat na Catholic Social Media Awards.

Alinsunod ng panawagan, pangungunahan ng RGS ang isang pagkilos para isulong ang International Day for the Elimination of Violence Against Women sa Lunes, ika-25 ng Nobyembre, 2019.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 766 total views

 766 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,752 total views

 16,752 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,797 total views

 24,797 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,877 total views

 29,877 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,583 total views

 35,583 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

 1,092 total views

 1,092 total views Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024. Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa. Sinabi ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mapayapang Ecumenical engagement sa ibang Denominasyon patuloy na isinasagawa ng Simbahan

 14,391 total views

 14,391 total views Naging maayos ang “ecumenical engagement” sa pagitan ng Ministry of Ecumenical and Interfaith Affairs ng Archdiocese of Manila at North American Old Roman Catholic Church (N-A-O-C-C) sa Villa San Miguel, Mandaluyong city noong September 14, 2023. Isinagawa ang peaceful dialogue sa pagitan ng Roman Catholic Church at NAOCC upang maayos ang hindi pagkakaunawaan

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Simultaneous outreach programs, isinagawa ng Diocese of Cubao

 14,791 total views

 14,791 total views Nagsagawa ng simultaneous outreach programs ang 46 Parishes ng Diocese of Cubao ngayong August 26, 2023 bilang bahagi ng ika 20 taong anibersaryo ng diyosesis. Ayon sa liham ni Bishop Ongtioco, layunin nito na iparamdam sa mga mananampalataya lalo na sa mga mahihirap na parishioner na ang diyosesis ay nakikiisa at dumaramay sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

 14,308 total views

 14,308 total views Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu. Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection. Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mayorya ng mga mananampalatayang Katoliko ang tumutupad sa kanilang holy week obligations

 14,939 total views

 14,939 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) mula ika-22 ng Pebrero 2023 hanggang a-1 ng Abril 2023 sa may 1,200 respondents nationwide na mayroong +/-3 margin of error. Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 58-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila nahihirapang tumutupad sa kanilang holy week obligations. Ayon sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, magtatayo ng Advocacy ministry sa lahat ng parokya

 6,044 total views

 6,044 total views Magtatatag ang NASSA/Caritas Philippines ng tatlong (3) advocacy ministry na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap at vulnerable na sektor ng pamayananan sa Pilipinas. Sa katatapos na 5-araw na 40th National Social Action General Assembly o NASAGA na isinagawa sa General Santos City ay kinilala ng 204 na social action workers na kinabibilangan ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 3,145 total views

 3,145 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category. Dinaig ng NTC ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mass for Frontliners, pangungunahan ni Cardinal Advincula

 3,100 total views

 3,100 total views Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang “mass for frontliners”. Ang “mass for frontliners” ay alay ng Simbahang Katolika sa mga healthcare worker o medical frontliners na itinuturing na national heroes o pambansang bayani sa gitna ng nararanasang COVID 19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

“1GODLY Vote”, ilulunsad ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication

 3,022 total views

 3,022 total views Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay. Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao. Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Hindi maayos na sound system, pangunahing problema sa banal na misa

 3,041 total views

 3,041 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) noong ika-31 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril 2021. Base sa V-T-S, nais din ng 24-percent ng 1,200 respondents nationwide na maging maayos ang mga “Choir” at magandang song selection sa mga isinagawang banal na misa. Nais naman ng 20-percent ng respondents ng magandang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Bloody Sunday assualt, kinondena ng Caritas Philippines

 3,033 total views

 3,033 total views Kinondena ng Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace/ Caritas Philippines ang “Bloody Sunday” assualt ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa mga civil rights sa apat na karatig lalawigan ng Metro Manila noong ika-7 ng Marso, 2021. Statement:

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

UST Public Affairs director, namatay sa heart attack

 3,046 total views

 3,046 total views Pumanaw na ang itinuturing na “best Ambassador” ng University of Sto.Tomas sa edad na 62-taong gulang. Sa isang Facebook post, inihayag ng U-S-T na si Associate Profesor Giovanna Villarama-Fontanilla ay naging mukha at boses ng unibersidad sa general public. Inihayag ng U-S-T na si Prof. Fontanilla, director ng Public Affairs Office ng UST

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Digital technology,lifeline ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting balita

 2,997 total views

 2,997 total views Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic. Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mananampalataya, inaanyayahan sa online advent recollection

 3,035 total views

 3,035 total views Magsasagawa ang Diocese of Cubao ng Online Advent Recollection sa pangunguna ng Lay Formation Ministry at Social Communications Ministry ngayong ika-5 ng Disyembre alas otso ng umaga. Tema sa isasagawang recollection ang “Santatlo ng Cubao: Nagsusulong sa Pakikipag-isa, Misyon at Pagbabalik-loob tungo sa ika-500 taon ng Kristiyamismo sa Pilipinas.” Layunin nitong ihanda ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, umaapela sa mamamayan na makiisa sa Alay Kapwa Sunday special collection

 3,734 total views

 3,734 total views Kabayan mahal natin, tulong tayo! Umaapela ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa sambayanang Filipino na makiisa sa nararanasang pagdurusa at tulungan ang mga sinalanta ng magkasunod na bagyo sa bansa. Sa ipinadalang apela ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Radio Veritas, ipinaalala nito na higit na kailangan ang sama-samang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top