Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

10-heat safety demands, suportado ng CWS

SHARE THE TRUTH

 8,536 total views

Pinaigting ng Church People – Workers Solidartiy (CWS) ang pakikiisa sa apela ng mga manggagawa sa employers at pamahalaan na tiyaking ligtas ang mga lugar ng paggawa mula sa matinding init.

Ayon kay CWS National Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, nararapat tiyakin sa anumang banta ng kapahamakan dulot ng matinding init ang mga manggagawa.

Hinimok ng Obispo ang mga employer na pangalagaan ang health at safety ng mga manggagawa gayundin ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigpit na ipatupad ang Occupational Safety and Health Development (IOSHD) Standard.

“CWS supports workers’ heat safety demands in the light of the recent high heat index experienced in the country. Amidst record-high temperatures brought about by the effect of climate change, CWS urges employers and DOLE to take decisive action to safeguard workers’ health and safety. Hot temperatures and low compliance with occupational safety and health standards make workers more vulnerable to heat-related illnesses such as heat strokes,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Alminaza na ang pagpapatupad ng IOSHD ay nakaayon sa katuruan ng simbahan at apela ni Pope Francis sa mga employer na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa sa mga lugar ng paggawa.

Inihayag ng Obispo na sa pamamagitan nito ay mapangalagaan ang dignidad ng mga manggagawa a mapabuti ang kalagayan ng labor sector na may malaking ambag sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Panawagan ni Bishop Alminaza ang pagpapatupad ng sampung polisiya na makakatulong sa mga manggagawang maibsan ang pasakit na dulot ng matinding tag-init sa kanilang mga trabaho.

“In this regard, CWS supports the Institute for Occupational Safety and Health Development’s (IOSHD) “10 heat safety demands”: 1. Heat breaks that are paid and compensable; 2. Education and advocacy campaigns to prevent heat-related illnessesshould be conducted by companies; 3. Assessment of health conditions and medical check-ups for workers ; 4. Timely, thorough and regular inspections of companies to assess their compliance with health and safety measures; 5. Shaded rest areas should be provided for workers; 6. Adjust work hours and ensure that working hours are maintained; 7. Free, adequate and accessible water supply; 8. Effective Ventilation; 9. Temperature-appropriate personal protective equipment (PPE); 10. Yes to workers’ consultations!,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza.

Inaasahan ng PAGASA Weather Forecasting Center na sa patuloy ng summer season at El Niño phenomenon aabot ng hanggang 44-Degree Celcius ang pinakamainit na heat index na maranasan ng mga mamamayan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,562 total views

 16,562 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,662 total views

 24,662 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,629 total views

 42,629 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,805 total views

 71,805 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,382 total views

 92,382 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,526 total views

 8,526 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,055 total views

 7,055 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top