100 % accomplished: Pagtugon ng simbahan sa Yolanda survivors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Umaabot sa P3.6 bilyong ang nailaang pondo ng Caritas Response sa loob ng tatlong taong programa sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda limang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Jing Rey Henderson ng Caritas Philippines, ang nalikom na pondo ay mula sa pagtutulungan ng Institusyon ng Simbahang Katolika at 52 Caritas organization sa buong mundo.

“100 percent accomplished natin ang ating proyekto. Sumobra pa nga tayo kasi dun sa ating ginawa hindi lang siya ginawa na itayo ang bahay kundi kasama din yung mga Partner Beneficiaries natin na tinawag na ‘Sweat Equity’ or Counterpart. So instead na magbayad tayo ng mahal sa Labor Course, sa materyales, nakatipid po tayo kaya mas dumami ang ating beneficiaries,” ayon kay Henderson sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radio Veritas.

Sa ulat ng Caritas Philippines, may 1.4 na milyong katao ang nakinabang sa proyekto kung saan nakapagtayo ng 7, 373 housing units sa 6 na relocation sites na matatagpuan sa Iloilo, Capiz, Antique, Coron, Cebu, Calbayog at Borongan o mga lugar na labis na napinsala ng bagyong Yolanda.

Ayon pa kay Henderson, bukod pa ito sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga benepisyaryo para sa kanilang kabuhayan upang matiyak ang pagbangon mula sa karanasan ng malakas na bagyo.

Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda kung saan higit sa anim na libo ang naitalang namatay dulot ng bagyo habang naitala naman sa P86 bilyong piso ang nasirang gusali, kabuhayan at mga ari-arian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 59,724 total reads

 59,724 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 108,714 total reads

 108,714 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 156,586 total reads

 156,586 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 260,532 total reads

 260,532 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 343,677 total reads

 343,677 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top