10th World Meeting of Families: Archdiocese of Cebu, naghahanda na sa lokal na pagtitipon ng mga pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,032 total reads

Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na higit magtatagumpay ang bawat pamilya sa pamamagitan ng pagbubuklod sa pananalangin.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ginanap na press conference bilang paghahanda ng arkidiyosesis sa local celebration ng World Meeting of Families.

Naniniwala rin si Archbishop Palma sa malalaking hamong kinakaharap ng bawat pamilya sa mundo dahil sa iba’t ibang krisis sa lipunan.

“There are many challenges the family faces; there are many concerns and problems, but we would also like to announce to the world that there are also many consolations, and blessings when families try to live up to their vision and mission, to their identity,” bahagi ni Archbishop Palma.

Inaanyayahan ng Arkidiyosesis ang mananampalataya sa mga inihandang gawain sa pangunguna ng Commission on Family and Life ng Arkidiyosesis.

Ito ay kasabay ng mga gawain na isasagawa sa 10th World Meeting of Families sa Roma sa June 22- 26 kasama ang Kanyang Kabanalan Francisco sa temang “Family Love: A Vocation and a Path to Holiness”.

Sisimulan ng arkidiyosesis ang local celebration sa June 22 sa pamamagitan ng pagdaraos ng misa ng lahat ng mga parokya sa Cebu.

Pangungunahan naman ni Archbishop Palma ang pagdiriwang sa Cebu Metropolitan Cathedral ganap na ika-tatlotres ng hapon.

Naniniwala ang Arsobispo na magdulot ng higit na pagpapala sa mga pamilya ang pandaigdigang pagtitipon.

“I see the celebration of the World Meeting of Families as one such meaningful celebration where they experience the grace, the presence of God, the love of God, particularly where it’s supposed to start in the family,” ani ng Arsobispo.

Sa June 25 at 26 isasagawa rin ng arkidiyosesis ang Family Congress para sa 1, 500 indibidwal na may registration fee na 2, 500 piso para sa pagkain, souvenir kits at congress fee.

Ilang delegado mula sa Pilipinas ang dadalo sa pandaigdigang pagtitipon sa Roma sa pangunguna ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ang pangulo ng CBCP Family and Life.

Ang World Meeting of Families ay ginanap tuwing ikatlong taon subalit naantala ito dahil sa pandemya habang 2003 naman ng ganapin sa Pilipinas ang ikaapat na pagtitipon na dinaluhan ng libu-libong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 12,112 total reads

 12,112 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 111,191 total reads

 111,191 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 155,459 total reads

 155,459 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,572 total reads

 178,572 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 252,946 total reads

 252,946 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top