Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,098 total views

Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21

Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan sa atin ni San Mateo sa Ebanghelyo, ang eksena ng pagluluksa ni Jesus sa balitang patay na ang kaibigan niyang si Juan Bautista.

Alam natin kung gaano kalapit si Juan Bautista kay Hesus dahil magpinsan ang kanilang mga nanay at mismong si Mama Mary, ayon sa kuwento ni San Lukas, ang umalalay kay Elizabeth nang ipanganak nito si Juan Bautista.

Ayon kay San Lucas, taon-taon lumuluwas patungong Jerusalem ang pamilya ni Jesus, Maria at Jose, para makipamiyesta sila sa Jerusalem para sa Paskwa. Eh saan pa sila makikituloy doon sa Judea kundi sa bahay nina Elizabeth na pinsan ni Maria? Palagay ko taon-taon na nilu-look forward (kinasasabikan) ni Hesus ang muling pagkikita nilang magpinsan.

Marami na akong nakitang mga paintings sa mga simbahan na naglalarawan kina Juan at Jesus bilang magkalaro nang mga bata pa sila. Na lumaki silang magkaibigang matalik o mistulang magkapatid.
Kaya sa libro kong Yeshua talagang umandar ang malikit kong imahinasyon. Doon sa eksena ng pagkawala ni Hesus at pagkakatagpo sa kanya sa templo, may kutob akong kasama niya di Juan. Mukhang bata pa si Jesus nangungulit na siya na magpaiwan muna sa Jerusalem. Siguro mabigat ang loob niya tuwing matapos na ang bakasyon nila at magkakahiwalay sila ng kanyang kuya Juan. May kutob akong ibig din niyang mag-aral sa mga eskwelahan na pinapasukan ni Juan sa Jerusalem kaya minsan nagpaiwan. Malakas kasi ang dating sa puso ni Hesus ng salita ng Diyos. Dahilan kung bakit napalapit siya nang husto sa pinsan niyang si Juan—na imbes na maging saserdoteng tulad ng tatay niyang si Zakarias ay naging aktibistang propeta—na nakabangga ng mgq nasa otoridad tulad ni Herodes Antipas.

Kaya nga siya napadpad sa Capernaum. Hindi ko ikagugulat kung si Mama Mary mismo ang nagpayo sa kanya na lumayo muna at magpalamig nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakaaresto ni Juan. Lalo na’t kilala siya bilang kasamahan ni Juan, at bininyagan pa nga siya nito sa ilog Jordan. At di ba’t si Juan din ang nagpakilala sa kanya bilang Kordero ng Diyos sa dalawang alagad niya?
Kaya napakasakit siguro ng huling palitan nila ng salita habang nakabilango si Juan Bautista at nagpasugo ito ng alagad. At ang tanong daw ay, “Ikaw na ba talaga ang hinintay naming dumating o hahanap kami ng iba?” In short, “Nagkamali ba kami?” May palagay akong nasaktan si Hesus sa tanong na yun na parang intriga dahil maugong ang tsismis na naging mabisyo si Jesus, nakikikain at nakikipag-inuman sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan.

Palagay ko hindi si Juan ang pinatatamaan ni Hesus noong isagot niya, “Sabihin niyo kay Juan Bautista ang totoong naririnig ninyo at nasasaksihan: nakakikita ang mga bulag, nakaririnig ang mga bingi, nakalalakad ang mga paralitiko, napagagaling ang mga ketongin, nabubuhay ang mga patay, at nakakarinig ang mga dukha ng mabuting balita.” Parinig yun ni Hesus hindi kay Juan Bautista kundi sa mga intrigerong mga alagad na sugo. Pero dahil sa mga biglaang pagkakabitay niya, hindi na sila nakapag-usap na muli.

Kaya nagdulot ng matinding pagkalungkot kay Hesus ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanyang pinsan, ng kaibigan niyang si Juan Bautista. Binitay siya ni Haring Herodes. Pinapugutan ng ulo. Kaya kusang lumayo si Hesus upang makapag-isa, makapagdili-dili sa pagluluksa. Pero sinundan siya ng mga tao. Kaya sa bandang huli, hinarap na rin niya sila.

Parang Pinoy na Pinoy ang dating nito. Hindi ba sa mga burol sa patay dito sa atin sa Pilipinas, hindi ka naman pwedeng mag-isa lang o lumayo? Kasi maraming dadalaw na kamag-anak, kaibigan, katrabaho, kapitbahay. Makikiramay sila, makikipagkwentuhan. Uulit-ulitin na itatanong, “Ano’ng ikinamatay niya? Bakit?” Ang hirap, di ba? Hindi mo masabing, “Lubayan n’yo nga muna ako. Huwag n’yo muna akong kakausapin. Nagluluksa ako.” Hindi. Minsan nga tulad ng kaugalian sa mga burol, pakakainin mo pa ang mga nakikiramay. Katulad ng ginawa ni Hesus. Kung sinong nagluluksa, siya pa yung nagpahanda ng maipapakain.

Parang alingawngaw ito ng narinig natin sa unang pagbasa: “Halina’t kumain at uminom sa aking handa, wika daw ng Panginoon ayon sa propeta.” Ito ang consistent na mensahe ni Hesus. Ibig niyang iparanas ang kaharian ng Diyos sa pagsasalo, sa paghahati ng tinapay, sa paikipagkwentuhan. Ibang larawan ng Diyos ang pinakikilala niya. Hindi Diyos na hukom o berdugo na dapat katakutan, kundi pastol. Pastol na naghahanap kahit sa mga tupang ligaw. Nagpapakain pa rin kahit sa panahon ng pagluluksa.

Ewan kung bakit ang hilig natin kung minsan na gawing panakot ang Diyos. Ewan kung saan galing ang konsepto ng Diyos, na nanggagalaiti na magparusa sa mga makasalanan at magtatapon sa tao sa impyerno.

Narinig niyo ba ang ating ikalawang pagbasa? Kung paano tinanong ni San Pablo, “Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos?” Para na ring niyang tinanong, “Sino bang magtatapon sa atin sa impiyerno?” Ang haba ng listahan niya ng mga posibleng sagot na hinihindian niya bawat isa. Paghihirap ba, kapighatian, pag-uusig o gutom o tabak? Sabi niya kahit na kamatayan, “…walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos dahil kay Kristo Hesus na ating Panginoon.” Kasi hindi naman misyon ng Diyos ang humatol o magparusa, kundi ang kumalinga, tumubos, magligtas, magpakain.

Pero totoo nga bang wala? Ako palagay ko, meron. Meron. Wala nga lang sa listahan ni San Pablo. Isa lang ang totoong pwedeng maghiwalay sa Diyos sa tao. Sino ‘yun? Ang tao mismo. Tayo mismo. Tayo lang ang pwedeng humiwalay sa pag-ibig ng Diyos— kung kusang-loob tayong lalayo sa kanya. At kung mahulog man tayo, bababa pa rin siya para sagipin tayo, tubusin at hanguin.
Kaya siguro inutusan ni ni Hesus ang mga alagad na pulutin pati ang mga pira-pirasong tira-tira mula sa limang tinapay at dalawang isda na nagpakain ng 5,000. Aanihin mo nga naman ang tinapay kung manatiling buo ito? Aamagin lang, di ba? Kaya nga tayo gumagawa ng tinapay para ito mabiyak, mapiraso, makain, maubos, hanggang wala nang matira kundi mumo. Siguro ‘yun ang dahilan kung bakit pinapulot niya ang mga mumo.

Mahal ng Diyos ang mga taong kumbaga sa tinapay ay hindi takot na mabiyak, mahati, mabahagi, mapakain, at magpabusog hanggang wala nang matira kundi mga tira-tira, piras-pirasong mumo. Mahal ng Diyos kahit ang mga mumo dahil patotoo sila sa kagandahang-loob na mag-alay ng sarili. Kaya pinupulot at iniuuwi. Maaari pa silang pagsaluhan at maging simula ng isang bagong himala sa kanyang kaharian.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,738 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 24,320 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 51,220 total views

 51,220 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,974 total views

 122,974 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 154,256 total views

 154,256 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 186,272 total views

 186,272 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 335,825 total views

 335,825 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGSASAAYOS

 9,733 total views

 9,733 total views Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 34,937 total views

 34,937 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 98,957 total views

 98,957 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 46,443 total views

 46,443 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »
Scroll to Top