Inilarawan ng Papal Nuncio ang synodal na simbahan bilang isang caravan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 833 total reads

Binigyang-diin ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang bawat isa ay may mahalagang tungkulin sa patuloy na paglalakbay ng simbahan.

Ito ang mensahe ng nuncio sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Archdiocese of Caceres, kasabay ng pagtatapos ng Union of Bicol Clergy at ng ikapitong araw ng nobena sa Our Lady of Peñafrancia, nitong September 17 sa Quadricentennial Arch sa harap ng Naga Metropolitan Cathedral.

Inilarawan ni Archbishop Brown ang synodal na Simbahan bilang isang “caravan” o mga taong sama-samang naglalakbay patungo sa iisang direksiyon.

Aniya, malinaw na naipapakita sa tradisyon ng mga prusisyon ng Peñafrancia, kung saan nagbubuklod at sama-samang naglalakad ang mga mananampalataya.

“The idea of a procession gives us a visual image of what the Church is in her nature: people walking together, in which everyone has a vital role. No one is unnecessary. No one is useless. Everyone is valued,” ayon kay Archbishop Brown.

Sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang synodality ay hindi lamang tungkol sa mga obispo, pari, o relihiyoso, kundi sa buong Sambayanan ng Diyos—mga ina at ama, kabataan, estudyante, manggagawa, at iba pang miyembro ng Simbahan.

Binigyang-diin ng nuncio ang natatanging papel ng mga magulang sa pagpapasa at paghubog ng pananampalataya sa susunod na henerasyon.

“For passing the faith on to the next generation, who is the most important person? It’s not the Nuncio, believe me. It’s the mother and father of the children. They are the most important people in passing the faith on,” paalala ng nuncio.

Samantala, sa pagdiriwang ng Union of Bicol Clergy, binigyang-pugay ni Archbishop Brown ang mga pari sa kanilang tapat na paglilingkod at binigyang-diin na ang sentro ng kanilang bokasyon ay ang pagdadala kay Kristo sa sambayanan sa pamamagitan ng Eukaristiya.

“The fundamental point of the priesthood is what? It’s to bring the Eucharist to God’s people. Everything else flows from that. Everything else is connected to that: to bring the Eucharist—the body, the blood, the soul, the divinity of Jesus—to people. And to bring people to the Eucharist,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ayon pa sa arsobispo, ang Eukaristiya ang nagsisilbing pagkain ng mga mananampalataya sa kanilang espirituwal na paglalakbay.

Sa paggunita naman sa 75 taon ng pagiging arkidiyosesis ng Caceres, sinabi ng Papal Nuncio na ang kasaysayan ng Simbahan ay maituturing ding isang mahabang prusisyon na nagpapatuloy sa paglipas ng panahon.

Binigyang-diin niya na sa pagsisikap na magpanibago at magkaroon ng reporma sa Simbahan, mahalagang sundan at tularan ang mga ipinamamalalas na halimbawa ng mga banal na nauna sa kasalukuyang henerasyon.

“When we want to think about how to renew the Church, how to reform the Church, we need to walk in the footsteps of the saints, because they are the signposts that lead us in the right direction,” ayon kay Archbishop Brown.

Hinimok ng nuncio ang mga mananampalataya na alalahanin at tularan ang pananampalataya ng kanilang mga magulang, lolo’t lola at mga naunang henerasyon, na aniya’y nagsisilbing mga palatandaang gumagabay sa Simbahan patungo sa Kaharian ng Diyos.

Matatandaang naihiwalay ang lokal na simbahan ng Bicol mula sa Manila noong August 14, 1595 nang itinatag ni Pope Clement VIII ang Diocese of Nueva Caceres.

Makalipas ang mahigit tatlong siglo, noong June 29, 1951, itinaas ito ni Pope Pius XII bilang arkidiyosesis kasabay ng pagtatag ng Diocese of Legazpi at Sorsogon bilang mga suffragan dioceses.

Nanatiling sentro ng pananampalataya sa Bicolandia ang arkidiyosesis sa pamamatnubay ni Nuestra Señora de Penafrancia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 80,035 total reads

 80,035 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 124,346 total reads

 124,346 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 161,346 total reads

 161,346 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 268,221 total reads

 268,221 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 308,958 total reads

 308,958 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top