1M piso, ipinadalang tulong ng Caritas Manila at Quiapo church sa Mindanao quake victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 519 total reads

Muling umapela ng tulong ang social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila na Caritas Manila Damayan upang makalikom ng karagdagang pondo na kakailanganin para makatulong sa mga biktima ng magkakasunod na malakas na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Rev. Fr. Ric Valencia – Priest-In-Charge ng Caritas Manila Damayan, bagamat nauna ng nakapagpaabot ng 200,000-piso at karagdagang 300,000-piso ang Caritas Manila para sa Diocese of Kidapawan na pinakaapektado ng mga patuloy na pagyanig ay hindi naman ito sasapat para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Inihayag ng Pari na marami sa mga nanatili sa mga evacuation center ay mga residenteng nasira ang mga tahanan habang ang iba naman ay nangangamba sa kanilang kaligtasan kapag bumalik kanilang mga tahanang nagtamo ng mga bitak.

“So ngayon ay naghahanap pa rin tayo ng pondo, alam natin na yung initial na ipinadala doon ay would not be enough. Marami ang pababa palang mula doon sa kanilang mga lugar sa kabundukan na walang mauwian dahil nasira ang mga bahay. Yung mga nandoon sa evacuation center ay takot bumalik dahil may mga crack ang mga bahay.”pahayag ni Fr. Valencia sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Pari ang patuloy na pagtutulungan at koordinasyon ng mga organisasyon ng Simbahan partikular na ng Archdiocese of Manila, Quiapo Church at Caritas Manila upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente sa mga apektadong diyosesis sa Mindanao.

Bukod sa naunang P500,000 tulong pinansyal ng Caritas Manila ay inihayag rin ni Fr. Valencia ang paglalaan ng P500,000 ng Quiapo Church upang makatulong sa mga biktima ng lindol sa Diocese of Kidapawan.

Nag-coordinate na tayo ang RCAM (Archdiocese of Manila), ang Quiapo Church at ang Caritas Manila and napag-usapan together with the Bishop there kung anong mga pangangailangan nila and ang Quiapo Church ay nag-commit na ng P500,000 para sa Diocese ng Kidapawan…” Dagdag pa ni Fr. Valencia.

Read: Caritas Manila, muling nagpadala ng 300-libong piso sa Mindanao quake victims

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 6,499 total reads

 6,499 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 93,445 total reads

 93,445 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 130,818 total reads

 130,818 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,079 total reads

 162,079 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 234,576 total reads

 234,576 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,963 total reads

 31,963 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top