Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 17,796 total views

Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025.

Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches bilang paggunita sa idineklarang Jubileo ni Pope Francis para sa susunod na taong 2025.

Bilang higit na pagpapalawig sa misyon ng Simbahan na maging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa bawat nilalang ay kabilang sa partikular na tinukoy ng arkidiyosesis ang mga Simbahan na maaring bisitahin ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang higit na maging epektibo sa pagbabahagi ng tunay na diwa ng Taon ng Jubileo at ng iba pang mga sakramento lalo’t higit ang sakramento ng kumpisal.

Kabilang sa mga partikular na sektor na tinukoy ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mga opisyal ng pamahalaan; mga may karamdaman, kapansanan at health care workers; mga kabataan at mag-aaral; mga katekista at ibang church volunteer workers; mga mahihirap at ulila; mga Persons Deprived of Liberty at kanilang pamilya; mga migrants at refugees; mga digital communicators; mga kabilang sa iba’t ibang mga denominasyon; mga nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan; mga matatanda; mga negosyante at mamumuhunan; mga young professionals; mga guro; at mga manggagawa.

Samantala, idineklara rin bilang Jubilee Churches ang ilang mga pambansang dambana at minor basilica na matatagpuan sa Arkidiyosesis ng Maynila na kinabibilangan ng Minor Basilica of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral; National Shrine of Saint Jude Thaddeus; Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church; National Shrine of Saint Michael & The Archangels; at Minor Basilica of San Sebastian o Our Lady of Mount Carmel Parish.

Attached List of Jubilee Churches:

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 3,950 total views

 3,950 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 14,928 total views

 14,928 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 48,379 total views

 48,379 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 68,951 total views

 68,951 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 80,370 total views

 80,370 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 7,264 total views

 7,264 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 7,882 total views

 7,882 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top