2021 Ramon Magsaysay awardee, ginawaran ng 2021 Ocean Hero award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Nagpapasalamat si Zamboanga Sibugay fisherfolk leader Roberto “Ka Dodoy” Ballon sa natanggap nitong parangal bilang 2021 Ocean Hero Awardee na ginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Oceana Philippines.

Ayon kay Ballon na isa ring 2021 Ramon Magsaysay Awardee, ang gantimpalang kanyang natanggap ay lalong nagbigay ng lakas ng loob at pag-asa upang ipagpatuloy ang pagtatanggol sa karapatan ng mga mangingisdang nangangalaga sa mga karagatan ng bansa.

“Sana’y sa pamamagitan ng mga parangal na kumikilala sa amin [mangingisda] at sa karapatan namin ay mas mapalakas pa natin ang boses ng mga mangingisda. Panahon na upang pakinggan naman kami ng pamahalaan sa usapin ng pangangalaga sa ating karagatan,” pahayag ni Ballon.

Kabilang si Ballon sa mga maliliit na mangingisda na sumusuporta at nakikilahok sa online fisherfolk classroom na bahagi ng kampanya ng Oceana upang maitatag ang Fisheries Management Areas (FMA) system.

Mariin nitong tinutulan ang ilegal na pagpasok ng mga komersyal na barkong pangisda sa loob ng municipal waters na isa sa pinakamabigat na hamon na hinaharap ng pangisdaan at mga mangingisda sa kasalukuyan.

Samantala, sinabi naman ni Oceana vice president, Atty. Gloria Estenzo Ramos na mapalad na nakatuwang ng organisasyon si Ballon upang mapangalagaan ang municipal waters ng Zamboanga Sibugay at iba pang bahagi ng bansa.

“It is always heartwarming to see the hard work of our municipal fisherfolk who have effectively adapted to the new normal of pushing for advocacies during this pandemic,” saad ni Ramos.

Ang Ocean Heroes Award ay sinimulang igawad noong 2016 bilang pagkilala sa mga indibidwal na nangangalaga sa Tañon Strait Protected Seascape na patuloy na kumikilos para sa pangangalaga sa mga karagatan at nagtataguyod sa mga polisiyang nakabatay sa agham hinggil sa wastong pangangasiwa ng pangisdaan.

Walong mangingisda mula sa Tañon Strait ang nauna nang ginawaran bilang Ocean Heroes noong 2016 at 2017.

Nasasaad sa Saligang Batas ng 1987 na tungkulin ng estadong pangalagaan ang karapatan ng maliliit na mangingisda bilang mga may natatanging karapatang pakinabangan ang likas-yaman sa karagatan.

Sa apostolic exhortation ni Pope Francis na Evangelii Gaudium, sinasabi rito na tungkulin ng estado na pangalagaan at itaguyod ang kabutihan ng lahat ng miyembro ng lipunan, kabilang na ang mga mangingisda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 40,404 total reads

 40,404 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 77,193 total reads

 77,193 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 110,807 total reads

 110,807 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 162,385 total reads

 162,385 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 224,018 total reads

 224,018 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 51,721 total reads

 51,721 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top