Vaccination program ng simbahan at LGUs, nakatuon sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total reads

Nakatuon ngayon sa mga kabataan ang vaccination program ng Quezon City government at simbahan para sa patuloy na paglaban sa COVID-19.

Ayon kay Father Harvey Bagos, vaccine coordinator ng San Bartolome de Novaliches Parish na pansamantala munang itinigil ang pagbabakuna para sa mga may edad 18 taong gulang pataas upang bigyang daan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa mga kabataang nasa edad-12 hanggang 17 taong gulang.

Paliwanag ng pari, na siya ring director ng Novaliches Diocesan Youth Ministry na layunin ngayon ng pamahalaang lungsod na mabakunahan ang nasa 80-porsyento ng populasyon ng mga kabataan sa Quezon City.

“Ang sabi ng [Quezon City] Government, walang binabakunahang matanda ngayon. Ang lahat puro bata, kasi ang target nila is 80-percent of the pedia, 12 to 17 years old, ang babakunahan sa buong bansa. So, partly ang Quezon City ganun din ang target,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bagos sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Bagos umabot na sa humigit-kumulang 3,000-kabataan ang nabakunahan sa pamamagitan ng Diocese of Novaliches katuwang ang Quezon City LGU.

“So for almost two weeks, siguro mga nasa 3,000 na kami. Mga pedia yun ha… Dalawang area lang naman ang pinaka-concern natin ngayon e – ang [Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd] at tsaka [San Bartolome de Novaliches Parish], sa Quezon City area ‘yan,” saad ng pari.

Samantala, giit naman ng pari na bagamat mayroong pag-aalinlangan ang ilan sa mga magulang bunsod ng epekto ng bakuna, ang mga kabataan na rin ang mismong nagpapahayag ng kanilang kagustuhang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Nabanggit din ni Fr. Bagos na naghahanda na ang Roman Catholic Bishop of Novaliches Educational System, Inc. (RCBNES) para sa limited face-to-face classes sa mga paaralan.

Hinihikayat ng RCBNES ang mga magulang na pabakunahan na ang mga anak nang sa gayon ay matiyak ang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Nobyembre 15, 2021 nang simulan sa bansa ang pilot at limited face-to-face classes sa may 100-pampubliko at 20-pampribadong paaralan sa mga lugar na maituturing na low-risk areas mula sa banta ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 86,380 total reads

 86,380 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 133,484 total reads

 133,484 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 181,355 total reads

 181,355 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 285,303 total reads

 285,303 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 367,489 total reads

 367,489 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,531 total reads

 167,531 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top