Mga yumaong lingkod ng Simbahan, pinarangalan ng Archdiocese ng Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

Kinilala at pinarangalan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mga namayapang lingkod ng simbahan partikular na ang naglingkod sa arkidiyosesis.

Sa pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula batid nito ang mga kahinaan ng mga lingkod ng simbahan subalit matagumpay na nagampanan ang misyon na ipinagpatuloy ng kasalukuyang henerasyon.

“We thank the good Lord that in spite of the shortcomings, weaknesses and sinfulness of our deceased predecessors – cardinals, archbishops, bishops, priests, deacons, religious brothers and sister – their mission was blessed abundantly by the Lord of the harvest. We are standing on their shoulders for without them, we would not have been here,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Inalala at pinasalamatan ng cardinal ang mga yumaong pastol ng simbahan lalo na ang nagtayo ng mga simbahan, eskwelahan, ospital, seminaryo, mga orphanage at iba’t ibang institusyon na nagtataguyod sa misyong kalingain ang mananampalataya.

Hamon ng arsobispo sa mga kasalukuyang lingkod ng simbahan na ipagpatuloy at palaguin ang nasimulan ng mga namayapang lingkod upang higit na yumabong ang pananampalatayang nakaugat kay Kristo.

“Their legacies would challenge us to address felt needs at present which could be in turn our legacies for the generations yet to come,” ani ng cardinal.
Ngayong taon kabilang sa pinarangalan ng arkidiyosesis ang 18 lingkod ng simbahan na namayapa kabilang na si Fr. James Jay Timothy Thomas Patrick Paul Ferry na naglingkod ng mahabang panahon sa arkidiyosesis bilang vicar for the religious.

Kilala ang pari na limang dekadang nagmisyon sa Pilipinas hanggang sa pumanaw noong Mayo 28, 2021 dahil sa karamdaman sapagkat kabilang ito sa grupo ni legendary American General Douglas MacArthur na dumating sa bansa noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mga kapwa lingkod ng simbahan na pagbutihan ang pagmimisyon at isabuhay ang mga halimbawa ni Hesus sa paglingap ng kapwa.

“As we recall what they had done for the Church and for the world, let us all be inspired to grab all the opportunities to do good and to become better in serving the Lord and His Church out of gratitude fo His immense love for us,” ayon pa ni Cardinal
Advincula

Ginanap ang misa para sa mga yumaong lingkod ng simbahan ng arkidiyosesis sa Lay Force chapel sa San Carlos Seminary Compound sa Guadalupe Makati City nitong November 18 kung saan bukod kay Cardinal Advincula dumalo rin sa pagtitipon si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., mga pari ng arkidiyosesis at religious men and women ng iba’t ibang kongregasyon.

Matatandaang noong November 4 pinangunahan naman ni Pope Francis ang banal na misa para sa mga yumaong cardinal, arsobispo at obispo sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 86,246 total reads

 86,246 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 133,354 total reads

 133,354 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 181,225 total reads

 181,225 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 285,173 total reads

 285,173 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 367,362 total reads

 367,362 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top