2026 Prayer intentions ni Pope Leo XIV, inilabas na ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 67,539 total reads

Inilabas ng Worldwide Prayer Network ang opisyal na talaan ng mga panalangin ni Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV para sa taong 2026, na magsisilbing gabay ng Simbahang Katolika sa sama-samang panalangin ng mga mananampalataya sa buong mundo.

Bawat buwan, humihiling ang Santo Papa ng panalangin para sa isang partikular na intensyon na tumutugon sa mahahalagang usapin ng pananampalataya, lipunan, at sangkatauhan. Kalakip ng bawat intensyon ang isang video message ng Santo Papa na nagpapaliwanag kung bakit ito napiling ipagdasal at kung paano ito maiuugnay sa kongkretong pagkilos ng mga mananampalataya.

Para sa buwan ng Enero, hinihikayat ni Pope Leo XIV ang pananalangin upang ang Salita ng Diyos ay maging “pagkain ng ating buhay at bukal ng pag-asa,” bilang tulong sa paghubog ng isang mas maka-kapatiran at misyonerong Simbahan.

Sa Pebrero naman, ipagdarasal ang mga batang may karamdaman na walang lunas, upang sila at ang kanilang mga pamilya ay makatanggap ng sapat na pangangalaga, lakas ng loob, at pag-asa sa kabila ng pagsubok.

Binibigyang-diin ng Santo Papa sa Marso ang panalangin para sa pag-aalis ng mga armas at pagsusulong ng kapayapaan, partikular ang pagwawakas sa mga sandatang nukleyar, at ang pagpili ng mga pinuno ng mundo sa dayalogo at diplomasya sa halip na karahasan.

Kasama rin sa mga intensyon ang panalangin para sa mga paring dumaraan sa krisis sa kanilang bokasyon sa Abril; ang karapatan ng lahat sa sapat at masustansyang pagkain sa Mayo; at ang pagpapahalaga sa isports bilang daan ng kapayapaan, disiplina, at pagkakaisa sa Hunyo.

Para sa ikalawang bahagi ng taon, ipinananalangin ng Santo Papa ang paggalang sa buhay ng tao sa lahat ng yugto sa buwan ng Hulyo; ang paghahanap ng mga bagong paraan ng ebanghelisasyon sa mga lungsod sa Agosto; at ang makatarungan at napapanatiling pangangalaga sa tubig bilang mahalagang yaman ng sangkatauhan sa Setyembre.

Sa Oktubre, nananawagan si Pope Leo XIV ng panalangin para sa pagtatatag ng mental health ministry sa buong Simbahan, upang mapawi ang stigma at diskriminasyon laban sa mga taong dumaranas ng sakit sa pag-iisip at mapalakas ang pastoral na pag-aaruga sa kanila.

Para naman sa Nobyembre, hinihikayat ang panalangin para sa wastong paggamit ng yaman ng mundo, upang ito’y maglingkod sa kabutihang panlahat at higit na makinabang ang mga mahihirap at nangangailangan. Sa Disyembre, ipagdarasal ang mga pamilyang single-parent, upang sila ay makatagpo ng suporta, pag-unawa, at lakas sa pananampalataya sa loob ng Simbahan.

Sa pamamagitan ng mga taunang intensyong ito, patuloy na inaanyayahan ni Pope Leo XIV ang sambayanang Katoliko na makiisa hindi lamang sa panalangin kundi pati sa konkretong pagkilos para sa isang mundong mas makatao, makatarungan, at puspos ng pag-asa.

Ayon sa Worldwide Prayer Network, may mga pagkakataon ding nagdaragdag ang Santo Papa ng pangalawang hangarin sa pananalangin, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagtugon, gaya ng mga sakuna at krisis na nararanasan ng iba’t ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 54,929 total reads

 54,929 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 159,387 total reads

 159,387 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 196,174 total reads

 196,174 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 226,750 total reads

 226,750 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 272,940 total reads

 272,940 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top