Archbishop Uy sa Pasko at Bagong Taon: Pagnilayan ang diwa ng pagdiriwang, iwasan ang mapanganib na kaugalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,694 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na pagnilayan ang tunay na diwa ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon at ng pagsalubong sa Bagong Taon, kasabay ng panawagang iwasan ang mga kaugaliang nagdudulot ng panganib sa buhay, kalikasan, at pamayanan.

Sa kanyang pastoral appeal, binigyang-diin ng arsobispo na sa halip na saya, kalungkutan ang madalas na naiiwan ng mga mapanganib na selebrasyon—lalo na sa mga batang nasusugatan, pamilyang nawawalan ng mahal sa buhay, matatanda at maysakit na nababalisa, at mga hayop na nasasaktan dahil sa labis na ingay at polusyon.

Ayon kay Archbishop Uy, walang ingay o panandaliang kasiyahan ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan at dignidad ng buhay ng tao, lalo na ng mga bata at ng mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

“God entrusted creation to us—not to abuse it, but to care for it. The smoke that pollutes our air, the debris that poisons our rivers, and the fires that destroy homes are not signs of joy; they are signs that we have forgotten our responsibility as stewards of God’s gifts,” pahayag ng arsobispo.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga magulang at nakatatanda na maging huwaran at gabay ng kabataan, at ipaunawa na ang tunay na tapang at saya ay hindi nasusukat sa ingay o panganib, kundi sa paggalang sa buhay at sa kaligtasan ng kapwa.

Para naman sa kabataan, binigyang-diin ng arsobispo na ang kanilang lakas at pagkamalikhain ay maaaring magbunga ng makabuluhang pagdiriwang na nagbibigay-liwanag at hindi nagdudulot ng pinsala—sa pamamagitan ng panalangin, pasasalamat, at mga gawa ng pagmamahal, malasakit, at pagkakaisa.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, iginiit ni Archbishop Uy na ang tunay na diwa ng Pasko ay nasusukat sa malasakit sa kapwa, sa pangangalaga sa kalikasan, at sa pagprotekta sa mga pinakamahihina sa lipunan.

“May our celebrations be remembered not for their noise, but for their compassion. Not for their smoke, but for their light. May God bless you, protect our children, comfort our animals, and guide us all toward a more caring and responsible community,” dagdag pa ng arsobispo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,490 total reads

 17,490 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,088 total reads

 38,088 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,980 total reads

 107,980 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,348 total reads

 193,348 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 240,084 total reads

 240,084 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,956 total reads

 287,956 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,461 total reads

 386,461 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 171,928 total reads

 171,928 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top