29th World Day of Consecrated Life: Hamon sa mga relihiyoso, ‘Ang pagtatatag ng sambayanang Banal’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,441 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF ang mga relihiyoso na paigtingin ang pagmimisyon at paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Ito ang mensahe ng obispo sa ika-29 na World Day of Consecrated Life nitong February 2 kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo.

Sinabi ni Bishop Ayuban na dating nagsilbing Co-Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines na mahalaga ang pagtitipon ng iba’t ibang kongregasyon upang mapalakas ang karisma at espiritwalidad na makatutulong sa paghubog at pagbuo ng pamayanang nakatuon sa landas ng kabanalan.

“We cannot serve the church on our own, we are not called to be consecrated persons on our own, but to share this to others, we are consecrated persons for others, and this witness of community, we are not only called to be prophets, but to build prophetic communities, not only as individual saints, but to build saintly communities,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang interculturality ng mga consecrated persons sa bansa na isa sa mga hamong kinakaharap dahil maraming mga misyonero sa Pilipinas ang nagmumula sa iba pang mga bansa na iba ang kultura at tradisyong kinagisnan.

Gayunmapaman sinabi ni Bishop Ayuban na dapat patuloy isabuhay ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa paglilingkod sa simbahan upang makamit ang pagbubuklod ng pamayanan.

“Sigurong challenge din ay yung interculturality, how to live an intercultural community, marami tayong nakikita na mga communities composed of different nationalities, let us be respectful to every culture and not to have the sense of entitlement, but to be open so that we could live a more harmonious community in the context where we find ourselves,” giit ni Bishop Ayuban.

Ayon naman kay Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, kasalukuyang Co-Chairperson ng CMSP patuloy ang paghuhubog ng mga consecrated persons upang maisabuhay ang simbahang sinodal at tunay na makikilakbay sa pamayanan at magdadala ng pag-asa sa bawat isa.

“We are now continuously educating ourselves this call for synodality, but I would focus more on specific as religious is to be able to journey with the suffering people of today, to be able to listen more to them and their cries, we can change the society we are staying in. In this gathering today we are going to challenge ourselves to be people of hope,” pahayag ni Fr. Redoblado sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa kasama si Bishop Ayuban habang humigit kumulang sa 1, 000 consecrated persons mula sa iba’t ibang kongregasyon ang nakiisa sa pagdiriwang na ginanap sa Sienna College sa Quezon City.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,577 total reads

 8,577 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,203 total reads

 63,203 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,568 total reads

 148,568 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,305 total reads

 195,305 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,177 total reads

 243,177 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,022 total reads

 344,022 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top