3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total views

Sinimulan na ng Archdiocese of Lingayen, Dagupan ang dalawang buwang pagpapatunog ng kampana bilang pagpapahayag ng hinaing at panawagan para sa katarungan, kapayapaan at katotohanan.

Ang 3-minutong pagpapatunong ng kampana tuwing alas-otso ng gabi sa arkidiyosesis ay nagsimulang isagawa noong Sabado, ika-27 ng Hulyo at magtatagal hanggang sa ika-28 ng Setyembre 2019.

Layon nito na magsilbing boses at tinig ng mga mananamapalataya sa patuloy na pagtaas ng mga napapatay, kasinungalingan at paninirang puri sa mga inosenteng indibidwal.

Umaasa rin ang arkideyosesis na magsilbing panawagan ang naturang tunog ng kampana upang aktibong kumilos at makibahagi ang bawat isa sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, kaayusan at dignidad ng buhay ng bawat nilalang.

Bukod dito, layunin rin nito na maipaabot sa Panginoon ang pagtangis at panalangin ng mamamayan upang mabigyang katarungan ang mga namatay, naabuso at pagpapanibago ng mga criminal.

“As we hear the tolling of the church bells let it remind us that, amidst the deafening shouts of indecency, lies and senseless killings, our silence adds to the growing number of deaths and calumnies around us. Let the tolling of the bells be our voice, crying for justice, peace and truth. Speak up! Let the bells move us to action!be involves and stand for truth, justice, decency and the dignity of life!” pahayag ng Archdiocese of Lingayen, Dagupan.

Kaugnay nito, magpapahayag ng pakikiisa at pagsuporta ang mananampalataya ng Archdiocese of Lingayen, Dagupan sa pinunong pastol ng arkidiyosesis na si Archbishop Socrates Villegas na idinadawit sa planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sa pamamagitan ng isang Banal na Misa ganap na alas-tres y medya ng hapon sa Miyerkules ika-31 ng Hulyo ay ipapakita ng mananampalataya ang kanilang suporta sa hamong pinagdadaanan ni Archbishop Villegas na.

Isasagawa ang Banal na Misa sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City na susundan ng prosesyon at candle-lighting ceremony.

Naunang nagsagawa ng prayer vigil at banal na misa ang mananampalataya ng Diocese of Cubao bilang pakikiisa at suporta kay Bishop Honesto Ongtioco na kinasuhan din ng sedition ng PNP-CIDG at Office of the Solicitor General.

Read: Prayer power

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 9,744 total views

 9,744 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 45,534 total views

 45,534 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 87,426 total views

 87,426 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 141,138 total views

 141,138 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 167,465 total views

 167,465 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top