Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

30-taong partnership sa Pilipinas, ipinagdiwang ng AECID

SHARE THE TRUTH

 11,904 total views

Ginunita ng Spanish Embassy to the Philippines o Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarrollo (AECID) ang ika 30-taong pakikipagtulungan sa Pilipinas upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng photo exhibit sa Instituto Cervantes De Manila na itinampok ang mahahalagang pagtutulungan sa nakalipas na 30-taon upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap, nasasalanta ng bagyo at iba pang pinaka-nangangailangan sa lipunan.

Ang tema ng pagdiriwang ay ‘Stronger Togethre: Celebrating 30 years of Spanish Cooperations in the Philippines’ na tanda ng matibay ng alyansa at relasyon ng dalawang bansa.

“Aecid Philippines has made substantial initiatives and gains to fight against poverty and sustainable human development, strengthening democracy and attending to the diversity of Philippine society, with special attention and focus on the poorest and most vulnerable sectors. It has also adopted the development framework the United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs) while working closely with the Philippine government and its national social and economic program to address development issues in the country,” mensahe ng Instituto Cervantes De Manila sa Radio Veritas.

Binuksan ang photo exhibit noong October 19 na magtatagal hanggang December 31, 2023 sa Instituto Cervantes De Manila sa Intramuros.

1974 ng magsimula ang ugnayan ng Pilipinas at AECID kung saan 1992 ng ganap na maitatag ang ahensya sa Pilipinas.

Sa bahagi ng simbahan, patuloy ang Caritas Philippines, Caritas Manila at iba pang social arm ng simbahan upang matugunan ang pangangailangan ng mga pinakanangangailangan.

Noong 2022, naitala ng Caritas Philippines na umabot sa mahigit 500-million pesos ang nailaan na pondo sa humanitarian at disaster relief effort at iba pang programa.

Habang noong 2020 hanggang 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay umabot sa higit 2-bilyong piso ang nailaan na pondo ng Caritas Manila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, nasasalanta ng bagyo at pagpapaaral sa mga Youth Servant Leadership and Education Program.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 21,457 total views

 21,457 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 29,557 total views

 29,557 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 47,524 total views

 47,524 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 76,638 total views

 76,638 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 97,215 total views

 97,215 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,841 total views

 8,841 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,367 total views

 7,367 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top