Pagsusuot ng nakakatakot, hindi kaugalian sa paggunita ng All Saints day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,816 total reads

Pinaaalalahanan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na gunitain ang All Saints Day sa angkop na pamamaraan.

Ayon sa Obispo, hindi kaugalian ng isang kristiyano ang pagsusuot ng mga nakakatakot na mga kasuotan para ipagdiwang ang halloween kundi ilaan ang panahon para parangalan ang mga banal ng simbahan.

“Ang halloween ay hindi selebrasyon ng katatakutan. Dress like saints and emulate them. Isabuhay natin ang kanilang mga halimbawa, yan ang tunay na pagdiriwang sa All Saints Day,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ito ang akmang panahon na tularan ang kasuotan ng mga santo para sa maringal na pagdiriwang at paggunita sa kanilang araw hindi para sa mga walang kabuluhang pagtitipon.

Matatandang mariing kinundena ng kristiyanong pamayanan ang pagsusuot noon ni Pura Luka Vega ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa isang party habang inaawit ang Ama Namin.

Sinabi ni Bishop Pabillo na bilang binyagan nawa’y higit maunawaan ang mga banal na pagdiriwang ng All Saints at All Souls Day kung saan ito ay araw ng mga panalangin para sa mga namayapa.

“Tulad ng pag-alala natin sa mga banal, sa All Souls Day naman alalahanin natin ang ating mga yumaong kaanak, ipagdasal natin ang kanilang kaluluwa. Dapat magtipon ang mga pamilya para gunitain ang mga masayang alaala ng kanilang namayapang mahal sa buhay,” giit ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng opisyal na sa pagdalaw sa mga sementeryo ay iwasan ang pagkakaroon ng mga kasiyahan sa halip ay taimtim na manalangin para sa mga nakahimlay.

Naglabas na rin ng kopya ng panalangin ang mga diyosesis na magagamit ng mga pamilya sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Una nang sinabi ni Cebu Archbishop Jose Palma na mahigpit sundin ang mga panuntunan sa pagdalaw sa mga sementeryo upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 950 total reads

 950 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,623 total reads

 51,623 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,989 total reads

 136,989 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,725 total reads

 183,725 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,596 total reads

 231,596 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,073 total reads

 333,073 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top