Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

36th Prison Awareness Week, pormal na sinimulan ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,234 total views

Opisyal ng nagsimula ang paggunita ng 36th Prison Awareness Week o ‘Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo’.

Pinangunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pambungad na gawain sa pamamagitan ng pagdiriwang ng banal na misa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – CBCP chapel sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Bishop Florencio na siya ring incoming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, mahalaga ang paggunita ng Prison Awareness Week upang mapatatag ang pagmimisyon at kamalayan ng lahat sa prison ministry ng Simbahan para sa higit na pagiging epektibong daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nagkasala at nagkamali sa buhay na kadalasan ng naisasantabi sa lipunan.

“Itong one week na celebration ng prison awareness ito ay mahalaga para sa atin na meron tayong mga kapatid na PDL na nandoon sa kulungan, hindi man siguro nila ginusto ang mga ito ngunit sa mga ginagawa natin siguro yun ang nangyari sa kanila, ngunit hindi natin ibig sabihin na nawawala sila sa syudad kasi sila din po ay mga tao katulad natin, nilikha ng Diyos, minahal ng Diyos so dapat mayroong support din tayo doon lalong lalo na coming from yung mga taong may generous heart.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang diin rin ni Rev. Fr. Nezelle O. Lirio – Executive Secretary, CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang kahalagahan ng pagiging misyunero ng bawat isa bilang katuwang ng Simbahan sa misyon ng patuloy na pagbibigay halaga sa buhay at dignidad ng mga indibidwal na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

“Sa kabila po ng pagkakaiba-iba po natin at pagkakanya-kanya, nagkakaroon po tayo ng mutual support dahil mayroong love. Mayroon po tayong misyon ng pagmamahal at lalong-lalo na ang misyon na ito ay ang misyon po natin sa Diyos at ang misyon po natin sa mga kapatid natin na nasa mga bilangguan, yung mga PDLs na tinatawag po natin. At muli kagaya po ng sabi ni Pope Francis ‘Courage, Jesus is expecting great things from us’ at gawin po natin yung inaasahan po na ito ng ating Panginoon sa atin sa pamamagitan po ng pagmimisyon, ng pagmamahal.” Ayon kay Fr. Lirio.

Tema ng 36th Prison Awareness Week ngayong taon ang “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layuning paigtingin ang pagmimisyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan ilang mga gawain ang inihanay ng prison ministry ng Simbahan ngayong ‘Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo’ kabilang na ang pagbisita sa ilang mga bilanggo sa piitan.

Taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Week o linggo upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 3,564 total views

 3,564 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 25,630 total views

 25,630 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 41,326 total views

 41,326 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 49,615 total views

 49,615 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 113,573 total views

 113,573 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top