Kapag umimik ang taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total views

Mga Kapanalig, hindi man aminin ng mga mambabatas na nagsusulong ng Maharlika Wealth Fund, nakaimpluwensya ang ingay na nilikha ng mga tumututol dito upang palitan ang ilang probisyon ng kanilang panukalang batas. Dahil sa matinding reaksyon ng mga miyembro ng SSS at GSIS na planong pagkunan ng malaking pondo para sa kontrobersyal na pondo, inalis na ang mga ahensiyang ito na inaasahang mag-ambag ng 175 bilyong piso sa kabuuang 275 bilyong sovereign wealth fund. Nangangamba kasi ang mga kasapi ng SSS at GSIS na gagamitin ang kanilang kontribusyon at inaasahang pensyon.

Sa maikling pagpapaliwanag, ang Maharlika Wealth Fund ay isang seed capital o pondong lilikumin mula sa iba’t ibang bangko ng pamahalaan upang ilagak o i-invest sa malalaking national development projects at iba pang assets. Ang kikitain mula sa mga investments na ito ay idadagdag naman sa kaban ng bayan na pagmumulan ng badyet para sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno. Kulang na kulang daw kasi ang ating pera upang tustusan ang mga gastusin ng pamahalaan. Pag-amin pa ni Albay Representative Joey Salceda, “utos ng pangulo” ang pagtatatag ng Maharlika Wealth Fund. Mabilis namang naghain ng panukalang batas ang kanyang pinsan at anak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

At dahil nga sa pagtutol ng marami sa pag-obliga sa SSS at GSIS na maglagak ng pera sa Maharlika Wealth Fund, tila ba tumiklop ang mga mambabatas sa nagsusulong nito. Ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at Bangko Sentral ng Pilipinas na lamang ang bubuo ng start-up capital. Gayunman, patuloy pa rin ang pagtutol ng marami sa Maharlika Wealth Fund dahil hindi raw ito napapanahon. Baon ang ating gobyerno sa utang. Ang dapat daw ginagawa muna ng gobyerno ay tiyaking masinop ang paggamit nito ng pera ng bayan para sa mga pampublikong serbisyo. Kaya naman, hindi sana matapos ang ating pagbabantay sa Maharlika Wealth Fund.

Ganito rin sana ang ating gawin sa iba pang isyu sa ating bayan. Bagamat nakakapagod ito, nakita naman natin sa isyu ng Maharlika Wealth Fund kung ano ang nangyayari kapag umiimik ang taumbayan. Maaaring may ibang mabibigat pang dahilan sa likod ng pagbabago ng isip ng mga nagsusulong ng nasabing pondo, ngunit dahil marami ang nag-react at marami ang nagsalita, hindi natin maikakailang marami sa atin ang naalarma sa posibilidad na magalaw ang ating kontribusyon sa SSS at GSIS. Ito ang pumukaw sa maraming magkaroon ng interes tungkol sa panukalang batas na ito at, sa abot ng kanilang makakaya, magbahagi ng ating opinyon at saloobin.

Ang pag-imik natin sa isyu ng Maharlika Wealth Fund ay isang magandang pahiwatig na may interes pa rin tayo sa mga ginagawa ng ating mga inihalal sa gobyerno. Isa rin itong hakbang sa pagkakaroon ng pakialam at pakikibahagi sa gobyerno—o participation sa Ingles—bagay na sinasabi sa Catholic social teaching na Pacem in Terris ay naaayon sa ating dignidad. At kapag nagsasalita tayong mga mamamayan sa mga isyung nakaaapekto sa atin, nakikilahok tayo sa pagsusulong ng kung ano ang makabubuti sa lahat o sa common good, isa pang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan.

Mga Kapanalig, maging si Hesus ay hindi nanahimik sa harap ng mga mali sa Kanyang panahon. Paalala naman sa Efeso 5:16, “Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon.” Nababalot ang ating bayan ng kasamaan at kasakiman, at matatalo tayo nito kung hindi tayo iimik, kung hindi tayo magsasalita, kung hindi tayo kikilos. Muli, hindi ito madali, ngunit kapag may mga pagkakataon tayong punahin ang mali at ituwid ang baluktot, manalig tayong unti-unti, may mabuting pagbabagong mangyayari.

Sumainyo ang katotohanan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 850 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 17,041 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 37,032 total views

 37,032 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 110,213 total views

 110,213 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 141,495 total views

 141,495 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 173,511 total views

 173,511 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 323,975 total views

 323,975 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 37,033 total views

 37,033 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 110,214 total views

 110,214 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 141,496 total views

 141,496 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 173,512 total views

 173,512 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top