Pilipinong Katoliko, puspus ng biyaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,301 total reads

Ang mga Filipinong Katoliko ay maituturing puspus ng biyaya kumpara sa ibang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang mensahe ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – Pangulo ng Aid to the Church – Philippines kaugnay sa papalapit na pasko.

Ayon sa Arsobispo, maituturing na puspus ng biyaya ang mga Filipinong Kristyano na malayang nakapagpapahayag ng paniniwala at pananampalataya kumpara sa mga Kristiyanong patuloy na dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nanawagan naman si Archbishop Villegas na isama sa pananalangin lalo na ngayong pasko ang kalagayan at kapakanan ng kapwa Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na humaharap sa patuloy na pag-uusig at pag-aabuso dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya sa Panginoon.

“We are blessed to be able to celebrate Christmas, but not all Christians who believe in Christ will be able to celebrate joyfully and peacefully. Remember them. Our hearts go out to them, because more than anyone, the Lord was born on Christmas night for them, and for you, and for everybody – to make us brothers and sisters.” Ang bahagi ng mensahe ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Hiling ng Arsobispo sa kapanganakan ni Hesus ay sama-samang ipanalangin at hilingin ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa daigdig kung saan wala ng anumang hidwaan, labanan, karahasan, pag-uusig at pang-aabuso lalo’t higit sa mga kabataan at kababaihan.

Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na tanging ang Panginoong Hesus lamang na siyang Prinsipe ng kapayapaan ang maaring makapaghatid ng tunay at ganap na katiwasayan.

“So on Christmas midnight let us whisper to the Christ child not a prayer of thanksgiving but a prayer of silent supplication ‘Christ child, Prince of Peace no more war, no more conflict, no more terror, no more violence, no more abuse of children, no more abuse of women, no more beheading of Christians, no more burning of churches. Lord, of you will it, it can happen, will it Lord for our sake, for the glory of your name. Jesus, Prince of Peace we kneel before you and say to you Prince of Peace we adore you, give us peace that only you can give’.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Ang Pilipinas ay isa sa 23 bansa sa daigdig na naatasan na humawak at mangasiwa sa misyon ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.

Naitatag ang Aid to the Church in Need noong 1947 na kinilala bilang isang papal foundation noong 2011 na nagbibigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na Simbahan at Kristiyano sa mahigit 140 mga bansa sa buong daigdig na tinutulungan ng organisasyon sa pamamagitan ng nasa 6,000 proyekto kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 32,884 total reads

 32,884 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 80,755 total reads

 80,755 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 184,703 total reads

 184,703 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 270,817 total reads

 270,817 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 339,305 total reads

 339,305 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top