Mamamayan, pinag-iingat sa mapanganib na paputok

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,254 total views

Pinag-iingat ng BAN Toxics ang publiko laban sa mga mapanganib na paputok na ilegal na ipinagbebenta sa mga pamilihan.

Ito ay ang “giant piccolo” na kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok sa mga nakalipas na taon dahil sa pagiging sanhi ng firecracker-related injury sa mga kabataan.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng grupo, dapat itong higit na tutukan ng mga kinauukulan upang maiwasang maibenta sa publiko at makalikha ng anumang panganib sa kalusugan at polusyon sa kapaligiran.

“We call again the attention of Philippine National Police and Department of the Interior and Local Government to step up and conduct on-site monitoring and confiscation of illegal and prohibited firecrackers as New Year’s Eve draws closer,” pahayag ni Dizon.

Sa pagbisita ng BAN Toxics sa mga pamilihan partikular na sa Divisoria, nagkakahalaga ng 200 piso ang bawat 10 piraso ng giant piccolo.

Magugunitang nagbabala ang grupo nitong Nobyembre laban sa maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng Five Star, Whistle Bomb, Giant Bawang, at Happy Ball.

Pinaalalahanan naman ng BAN Toxics ang publiko na iwasang gumastos sa mga paputok na nakakalason at nagdudulot ng basura at polusyon sa kapaligiran.

Sa halip ay isulong ang paggamit ng mga alternatibong pampaingay tulad ng mga kaserola, bote, at lata para sa ligtas at malusog na pagdiriwang ng Bagong Taon.

“We appeal to all vendors to stop selling any prohibited firecrackers, especially to children. We need to protect our kids from any toxic pollution from firecrackers and fireworks and prevent injuries during the holiday season,” ayon kay Dizon.

Sa tala ng Department of Health Fireworks-Related Injury Surveillance noong 2021, umabot sa 189 ang naiulat na fireworks-related injuries, kabilang rito ang isang biktima ng ligaw na bala.

Mas mataas ito ng 54% o 123 kaso kumpara noong 2020, at mas mababa naman ng 55% o 416 kaso sa five-year average sa kaparehong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 61,028 total views

 61,028 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 94,110 total views

 94,110 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 122,461 total views

 122,461 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 190,193 total views

 190,193 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 209,093 total views

 209,093 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top