Huwag puro salita, hamon ng JPIC kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,502 total views

Hinamon ni Fr. Angel Cortez, OFM Provincial Animator ng Justice, Peace and Integrity of Creation ng Province of San Pedro Bautista-Philippines ang pamahalaan na gampanan at tuparin ang mga pangako at programang tutugon sa nangyayaring climate crisis sa bansa.

Ayon kay Fr. Cortez, kabilang sa mga pinagtuunan sa ginanap na 27th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit ang pagpapatupad at pagsusulong sa loss and damage mechanism upang matutukan ang mga pinsala at nawala bunsod ng pagbabago ng klima.

Ipinaliwanag ng pari na higit na apektado ng mga nangyayaring krisis sa kapaligiran ang developing countries kabilang ang Pilipinas na taun-taon ay labis na nakakaranas ng pinsala sa buhay at ari-arian dulot ng mga kalamidad.

“Bakit ito sinusulong? Kasi tayo ay nananawagan ng mekanismo na magkaroon na ng facility para ‘yung climate finance o ‘yung pera na ibibigay ng developed countries para sa mga developing countries, meron talagang mekanismo na gamitin o pasilidad para maipamahagi na ito. Hindi na tayo puro salita lang o puro pangako kun’di maibahagi na talaga sa mga tao na apektado.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Nanawagan si Fr. Cortez sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na totohanin ang mga binitawang salita sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address na pagtugon sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa kalikasan.

“Parte ng kanyang SONA, binanggit n’ya ‘yung programa at tuluyang solusyon sa pagbabago ng klima. Sana po, ‘yung ating pangulo ay hindi lang puro salita at hindi lang ito pampaganda ng kanyang ratings. Kun’di talagang mabigyan ng tutok ang usaping ito dahil matagal na po tayong naghihintay sa ating gobyerno na mayroon silang konkretong programa.” ayon kay Fr. Cortez.

Naunang pinuri ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga plano ng pamahalaan partikular na ng Climate Change Commission sa pagtugon sa krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 21,794 total views

 21,794 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 43,799 total views

 43,799 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 68,141 total views

 68,141 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 91,952 total views

 91,952 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 126,111 total views

 126,111 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top