Pangalagaan ang migranteng Pilipino, hamon ng Vatican sa Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,530 total reads

Tutukan ang pangangalaga sa mga migranteng Pilipino at biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

Ito ang ibinahagi ni Scalabrinian Father Fabio Baggio, undersecretary ng Vatican Dicastery for the Promotion of Integral Human Development-Migrants and Refugees Section sa mga itinalagang opisyal ng bagong tatag na Diocesan Migrants Ministry ng Diyosesis ng Balanga.

Ayon kay Fr. Baggio, malaking bagay ang pagsasakripisyo ng mga migranteng Pilipino sa pakikipagsapalaran sa ibayong dagat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga naiwang pamilya dito sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng opisyal ng Vatican na mahalagang malaman ng isang migrante ang lahat ng impormasyon upang hindi maging biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

“Every migration should be in foremost decision. When somebody is going to decide to migrate, he or she should be able to have all the necessary information in order not to be tricked, not to be cheated, and not to be trafficked,” pahayag ni Fr. Baggio.

Sinabi pa ng pari na tungkulin din ng simbahan na suportahan at pahalagahan ang mga pamilya lalo na ng mga anak ng mga migranteng Pilipino na nangungulila sa kanilang presensya.

“It’s not easy for the children to go out without the presence of one of their parents. And this is why special support should be provided to them in order to understand the new situation of the family and to cope with the different difficulties which they just fear,” ayon sa opisyal ng Vatican.

Naniniwala naman si Fr. Baggio na sa kabila ng pagsasakripisyo ng mga migrante upang maghanapbuhay sa ibang bansa, misyon din nila ang pagpapalaganap ng pananampalataya kahit na saan mang dako ng daigdig.

Ito ang napansin ng pari sa mga Pilipino na kahit wala sa sariling bayang sinilangan ay hindi pa rin kinakalimutan ang tradisyon at pananampalatayang nakagisnan.

“There is a mission which is entailed in migration. A mission of proclaiming the faith that will learned in our birthplace, in our place of origin. There is a mission which is entrusted to every single migrant worker to be bearers and witnesses of their faith wherever they are,” saad ni Fr. Baggio.

Sa kabuuang tala ng pamahalaan, mahigit 10-milyong Filipino sa iba’t ibang bansa o katumbas sa halos 5-libong Filipino ang umaalis araw-araw upang maghanap-buhay sa ibayong dagat.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga migranteng Filipino na nagsasakripisyo para maitaguyod ang kanilang pamilya kahit na malayo sa mga mahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 14,909 total reads

 14,908 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 99,767 total reads

 99,766 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 194,097 total reads

 194,097 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 255,783 total reads

 255,783 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,941 total reads

 300,941 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,839 total reads

 209,839 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top