Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Batang ayaw paalisin ang amang OFW, tunay na mukha ng sakripisyo at kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Itinuturing ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na tunay na mukha ng buhay OFW ang nagviral sa social media na eksena sa airport ng isang batang ayaw paalisin ang kanyang ama para magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon, ang eksena ay isang malaking hamon sa pamahalaan at simbahan na magtulungan upang magkaroon ng maraming trabaho dito sa Pilipinas.

Inihayag ni Bishop Santos na tunay na malaking sakripisyo sa bawat magulang na umaalis ng bansa para magtrabaho sa malalayong lugar dahil sa lubhang kahirapan at kawalan ng oportunidad sa trabaho sa bansa.

Iginiit ng Obispo na sumasalamin din ito sa kakayahan ng isang ama o ina na lumayo, magtiis, mangulila at harapin ang mga panganib mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

“kung inyo pong napanuod yung nasa facebook viral video yung bata na kumakapit, ayaw paalisin ang kanyang tatay, dalawang aral ang ating makikita dito. Una yung tatay, isang magulang handang magtiis, handang mangulila, handang masaktan para lamang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak kahit mapalayo, mapalayo sa pagmamahal, sa pagtingin sa bata upang siguruhin lamang na may pagkain sa mesa, may panustos sa pag-aaral, mayroong maitustos sa pangangailangan ng mga anak.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Binigyan diin ng Obispo na pagsalamin din ito sa pagmamahal ng anak sa kanyang magulang at ang kagustuhan nilang makapiling lagi ang kanyang ama at ina

“at sa bata talagang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Kailangan nila at gusto ng bata na makasama at makapiling ang kanyang magulang at ito ay panawagan natin sa ating pamahalaan at sa simbahan na makalikha at gumawa ng trabaho dito sa Pilipinas upang hindi na sila lumisan o umalis ng hindi na sila magkakahiwalay, magkalayo layo ang pamilya.”paliwanag ng Obispo

Sa datos ng pamahalaan nitong taong 2016, umaabot sa 6,092-libo ang umaalis na Overseas Filipino Workers ang umaalis kada araw sa Pilipinas hindi pa kasama ang mga illegal migrants mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 47,066 total views

 47,066 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 114,554 total views

 114,554 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 135,619 total views

 135,619 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 157,456 total views

 157,456 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 191,278 total views

 191,278 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 72,966 total views

 72,966 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 50,539 total views

 50,539 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 88,962 total views

 88,962 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top