Kapakanan ng OFWs, tututukan ng Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,720 total views

Magtatalaga ng migrants desk ang Diocese of Balanga sa bawat parokyang kinasasakupan upang higit na matutukan ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers at suportahan ang mga naiwang pamilya sa bansa.

Ito’y sa pamamagitan ng bagong tatag na Diocesan Migrants Ministry sa pangunguna ng kauna-unahang direktor nito na si Canossian Father Antonio Germano, na siya ring kasalukuyang Parochial Vicar ng Saint Josephine Bakhita Parish sa Tala, Orani, Bataan.

Ayon kay Fr. Germano, ang migrants desk ang magiging unang proyekto at programa ng migrants ministry ng diyosesis upang mas mapagtuunan at masuportahan ng simbahan ang mga migrante at OFW lalo’t higit ang pangangailangan ng mga naiwang pamilya.

“Our first step is to form the migrant desk in all the parishes and then after that we will make a module. Then discuss what will be our next activities but, it depends on our co workers, not only me. All of us will work together,” pahayag ni Fr. Germano sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman ang pari sa biyaya at tiwalang ipinagkaloob ng diyosesis, lalo na kay Bishop Ruperto Santos, upang paglingkuran ang panibagong ministri na tutugon sa pangangailangan at magpapahalaga sa misyon ng mga migrante sa ibang bansa.

Pagbabahagi ni Fr. Germano, karaniwang misyon ng Canossian Fathers sa Pilipinas ang gabayan ang mga youth ministry ngunit noong 2019 ay iniatas na rin sa kongregasyon ang migrante at OFW.

Nangako naman ang direktor na makikipagtulungan ang ministri sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maipagpatuloy at mas mapaigting ang magandang layunin ng diyosesis para sa mga naghahanapbuhay sa ibayong dagat.

“We will see what we can do to answer to the needs of our OFW family here and in Bataan, especially. So we will connect ourselves with the government agencies so that we can work together,” ayon kay Fr. Germano.

Si Fr. Germano na isang Italian Canossian missionary ay 15 taon nang nagmi-misyon sa Pilipinas at apat na taon nang naglilingkod sa Diyosesis ng Balanga magmula nang ordinahan bilang pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 3,568 total views

 3,567 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 27,884 total views

 27,883 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 63,674 total views

 63,673 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 105,522 total views

 105,521 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 158,609 total views

 158,608 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top