Panalangin at paghahanda, sandata laban sa kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 936 total reads

Umapela ng panalangin at kahandaan si Archdiocese of Manila Disaster Risk Reduction and Management Minister Rev. Fr. Ricardo Valencia kasunod ng mga naganap na lindol sa iba’t-ibang bahagi ng mundong ngayong araw.

Ayon kay Fr. Valencia, napakahalaga na magkaroon ng sapat na kahandaan ang bawat isa lalo na sa mga banta ng kalamidad gaya ng paglindol.

Hinimok ni Fr. Valencia ang publiko na makibahagi sa mga preparedness measure na ginagawa ng pamahalaan at ng Simbahan habang ipinagdarasal ang kaligtasan ng lahat lalo na ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak ng pari na palaging bukas ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa pamalahaan para bigyan ng kahandaan at kaalaman ang mamamayan.

“Ang Simbahan at ang Pamahalaan ay palaging bukas sa pagtutulungan lalo na at pareho itong nangangailangan ng tulong sa bawat isa sa panahon ng mga kalamidad” giit ni Fr. Valencia sa panayam ng Radio Veritas.

Kaninang umaga niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang coastal area ng Fukushima Japan kung saan agad na itinaas ang tsunami warning at paglikas ng libo-libong residente.

Sa pinakahuling update ng mga otoridad sa Japan, inalis na ang Tsunami warning ngunit patuloy pa rin binabantayan ang mga posibleng aftershock o ano mang pinsala sa nuclear power plant na nasa lugar.

Taong 2011 niyanig din ng lindol at nakaranas ng tsunami ang Fukushima Prefecture kung saan umabot sa 18,000 ang nasawi.

Kaugnay nito ay naramdaman din ang magnitude 5.6 na paglindol sa New Zealand bagamat wala naman naiulat na nasawi o malawak na pinsala.

Sinasabing ang Pilipinas tulad ng bansang Japan ay napapaloob sa tinatawag na “Pacific ring of Fire” kung saan madalas na nararanasan ang mga paglindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,547 total reads

 36,547 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,374 total reads

 72,374 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 298,644 total reads

 298,644 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,112 total reads

 192,112 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,187 total reads

 284,187 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,018 total reads

 111,018 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top