LUNES, ENERO 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,933 total views

Paggunita kina Dakilang San Basilio
at San Gregorio Nasianseno,
mga Obispo at Pantas ng Simbahan

1 Juan 2, 22-28
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Juan 1, 19-28

Memorial of Saints Basil the Great and Gregory Nazianzen, Bishops and Doctors of the ChurchΒ (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 22-28

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, sino ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama’y sasakanya.

Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. At ito ang ipinangako sa atin ni Kristo: buhay na walang haggan.

Ang isinulat ko sa inyo ay ang tungkol sa mga nagnanasang magligaw sa inyo. Ang Espiritu’y ipinagkaloob na ni Kristo sa inyo. At habang siya’y nananatili sa inyo, hindi na kailangang turuan kayo ninuman. Ang Espiritu ang nagtuturo sa inyo sa lahat ng bagay, at totoo ang itinuturo niya – hindi kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Kristo.

Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya at hindi tayo mahiya sa kanya sa araw na yaon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

ALELUYA
Hebreo 1, 1-2

Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 19-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang saserdote at Levita upang itanong kung sino siya, sinabi ni Juan ang katotohanan. Sinabi niyang hindi siya ang Mesias. β€œKung gayo’y sino ka?” tanong nila. β€œIkaw ba si Elias?” β€œHindi po,” tugon niya. β€œIkaw ba ang Propetang hinihintay namin?” Sumagot siya, β€œHindi po.” β€œSino ka kung gayun?” Tanong nila uli. β€œSabihin mo sa amin para masabi namin sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Sumagot si Juan, β€œAko β€˜Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’” Ang Propeta Isaias ang maysabi nito. Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. Muli nilang tinanong si Juan, β€œBakit ka nagbibinyag, hindi pala naman ikaw ang Mesias, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sumagot siya, β€œAko’y nagbibinyag sa tubig, ngunit nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, subalit hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.” Ito’y nangyari sa Betania, sa ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 2

Itinuring ni Juan Bautista ang kanyang sarili na hindi karapat-dapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Sa kabila nito, tinupad niya ang kanyang misyon sa diwa ng paglilingkod at kababang-loob. Taglay ang ganitong diwa, lumapit tayo sa Ama upang tulungan niya tayo sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, lukuban nawa kami ng Iyong Espiritu.

Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y tumupad sa kanilang tungkulin nang may pagpapakumbaba at kabutihang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may katungkulan sa pamahalaan nawa’y magtaglay ng tapat na hangaring kumilos para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan at hanapin ang ikabubuti ng lahat sa halip na unahin ang pansarili nilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging inspirasyon ng mga kabataan at mag-aaral at mahikayat sila sa pagtitiyaga at pagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan at pagkabigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kapanatagan ng loob sa pamamagitan ng ating pagmamahal at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na, ay makatagpo nawa ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, sa pamamagitan ni San Juan, tinuturuan mo kaming maging mga abang lingkod. Loobin mo na matularan namin ang kanyang halimbawa upang makasalo kami sa iyong buhay sa Kaharian kung saan ikaw ang Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 83,541 total views

 83,541 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More Β»

Krisis sa bukid at laot

 83,541 total views

 83,541 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More Β»

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 83,541 total views

 83,541 total views Mga Kapanalig, β€œkinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More Β»

Ang kalikasan ay may karapatan

 81,057 total views

 81,057 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More Β»

Patibong ng kasamaan

 74,011 total views

 74,011 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, β€œβ€¦si Satanas man ay

Read More Β»

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 4,756 total views

 4,756 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More Β»

Biyernes, Marso 6, 2026

 4,756 total views

 4,756 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More Β»

Huwebes, Marso 5, 2026

 4,756 total views

 4,756 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More Β»

Miyerkules, Marso 4, 2026

 2,271 total views

 2,271 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More Β»

Martes, Marso 3, 2026

 2,271 total views

 2,271 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More Β»

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top