Patuloy na kumapit kay Hesus, hamon sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,522 total views

Gamitin ang pananampalataya sa Panginoong Hesukristo upang mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay at ang suliranin ng kahirapan.

Ito ang naging paanyaya ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Jun Cruz sa mga mananampalataya sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay Bishop Pabillo, nawa ang mga deboto at iba pang mananampalataya ay higit pang pag-ibayuhin ang kanilang pananalig sa Panginoon upang patuloy na mapukaw na gumawa ng mabuti para sa kapwa.

“Hindi nanghina ang debosyon ng mga tao, patuloy tayong kumapit kay Hesus na Poong Nazareno, maraming hamon ang hinaharap natin ngayong bagong taon, nandiyan palagi ang kahirapan sa buhay ng marami, Huwag lang sana manghina ang ating tiwala sa Diyos, nakikiisa si Hesus sa kahirapan natin, dnadala niya ang ating krus, kahit na nadadapa tumayo tayo tulad ni Hesus, kaya sa mga deboto ng Poong Nazareno, mas lalo tayong kumapit kay Hesus. Hindi niya pababayaan ang mga pusong nagmamahal sa kanya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Panalangin naman ni Cruz ang patuloy na paghahari ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa puso ng bawat isa.

Ito ay upang magkaroon ng sapat na lakas ng loob at inspirasyon na ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng mga pagsubok.

“Sana’y ang pagtatampok natin sa Krus ni Hesus, masagot ang mga panalangin ng ating mga kababayan at tugunan ang mga panga-ngailangan lalo na nung mga naghihirap. Ipagdasal din natin na maghari si Hesus sa ating bayan at sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit ay mahilom ang mga sugat ng ating lipunan,” ayon naman sa pinadalang mensahe ni Cruz sa Radio Veritas.

Noong 2021, naitala ng Philippine Statistics Authority na umabot sa mahigit 20-milyon ang Pilipinong kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Habang noong 2022 ay labis na naranasan ang mga suliranin sa ekonomiya katulad ng mataas na inflation rate na dulot pa rin ng pandemya na sinabayan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 27,346 total views

 27,346 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 69,238 total views

 69,238 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 123,281 total views

 123,281 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 150,486 total views

 150,486 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 166,515 total views

 166,515 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 7,182 total views

 7,182 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top