Hindi laging uubra ang diskarte

SHARE THE TRUTH

 887 total views

Mga Kapanalig, sinalubong natin ang taóng 2023 na pare-pareho pa rin ang mga problemang kinakaharap ng ating bayan. Mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin habang wala namang dagdag sa suweldo ng mga manggagawa. Kalbaryo pa rin sa daan ang dinaranas ng mga mananakay. At marami pa rin ang naghahanap ng dagdag na mapagkakakitaan upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya.

May mga kababayan tayong nagsasabing kailangan lang maging maabilidad at madiskarte sa harap ng mga hamong ito. Sa pagluluto, huwag na lang daw gumamit ng sibuyas na ang halaga ng isang kilo ay mas mataas pa sa minimum wage. Pumunta raw sa palengke sa halip na sa mga groceries upang makatipid sa mga bibilhin. Sa pag-iwas sa matinding trapik sa umaga, gumising na lang daw nang napakaaga. Ang mga sikat na social media influencers ay pinaaalalahanan pa ang mga may trabaho na dapat silang maging masaya dahil may pagkakataon silang “pagandahin” ang kanilang buhay. At kung hindi sila masaya sa kanilang trabaho, maghanap na lang sila ng iba. Magpasalamat na lang at baguhin daw ang mindset o pananaw ngayong 2023.1

Madaling sabihin ang mga ito ng mga taong nakaaangat ang buhay, may sariling sasakyan at komportableng nakakapagtiis sa traffic, at hindi kailangang gumising nang maaga at kumayod kapalit ng maliit na suweldo pagkatapos ng isang araw. Tandaan nating wala tayo sa posisyong sabihin sa ating kapwa kung ano ang dapat nilang maramdaman sa harap ng mga pasanin nila sa araw-araw. Hindi natin alam ang kanilang pinagdaraanan sa kanilang personal na buhay. Hindi natin alam ang mga oportunidad na dumarating sa kanila; baka napipilitan lang sila sa trabaho nila ngayon dahil wala naman na silang ibang mapasukan.

Bagamat ayon sa mga survey ay mas nakararaming Pilipino ang nagsabing may bitbit silang pag-asa sa pagpasok ng bagong taon, hindi nito ibig sabihing lagi na lamang tayong maging masaya at positibo sa mga bagay na kakaharapin natin ngayong 2023. Totoong dapat tayong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw, ngunit hindi natin dapat balewalain ang pakiramdam ng pagkapagod at pagkalungkot sa mga nangyayari sa ating personal na buhay.

At ang mga nararanasan natin sa ating buhay ay, sa totoo lang, may malaking kaugnayan sa mga istrukturang umiiral sa ating lipunan. May kinalaman ang ating kasarian at

pinanggalingang lugar sa mga trabahong maaaring pasukan. May kinalaman ang ating edukasyon sa mga oportunidad na magbibigay sa atin ng kakayanang tustusan ang ating mga pangangailangan. May kinalaman ang ating mga kakilala at koneksyon sa mga oportunidad na darating sa atin. May kinalaman ang mga desisyon ng gobyerno sa pagkakaroon natin ng maayos na pampublikong transportasyon. May kinalaman ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin. Sa madaling salita, hindi laging uubra ang sariling diskarte.

Isa sa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ay ang solidarity o pakikiisa. Ayon kay Pope Francis, higit ito sa pagbibigay sa mga nangangailangan. Ito ay ang pag-iisip at pagkilos para sa isang komunidad, at kaakibat nito ang pagtutuwid sa mga balangkas ng lipunang nagdudulot ng hindi pantay na oportunidad sa mga tao.2 Samakatuwid, salungat sa diwa ng solidarity ang pagdidiin na sapat na ang indibidwal na abilidad sa pagharap ng hirap ng buhay.

Mga Kapanalig, wika nga sa 1 Corinto 12:26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Kung tunay tayong may pakialam sa ating kapwa, hindi natin isasantabi ang sakit na kanilang nararamdaman. Kung tunay tayong nakikiramay sa kanila, hindi tayo nagbubulag-bulagan sa hirap na kanilang pinagdaraanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 287 total views

 287 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,648 total views

 25,648 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,276 total views

 36,276 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,297 total views

 57,297 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,002 total views

 76,002 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 288 total views

 288 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,649 total views

 25,649 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,277 total views

 36,277 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,298 total views

 57,298 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,003 total views

 76,003 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 108,295 total views

 108,295 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 90,969 total views

 90,969 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 123,587 total views

 123,587 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 120,603 total views

 120,603 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 122,532 total views

 122,532 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »
Scroll to Top