Patuloy na kumapit kay Hesus, hamon sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,611 total reads

Gamitin ang pananampalataya sa Panginoong Hesukristo upang mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay at ang suliranin ng kahirapan.

Ito ang naging paanyaya ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Jun Cruz sa mga mananampalataya sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay Bishop Pabillo, nawa ang mga deboto at iba pang mananampalataya ay higit pang pag-ibayuhin ang kanilang pananalig sa Panginoon upang patuloy na mapukaw na gumawa ng mabuti para sa kapwa.

“Hindi nanghina ang debosyon ng mga tao, patuloy tayong kumapit kay Hesus na Poong Nazareno, maraming hamon ang hinaharap natin ngayong bagong taon, nandiyan palagi ang kahirapan sa buhay ng marami, Huwag lang sana manghina ang ating tiwala sa Diyos, nakikiisa si Hesus sa kahirapan natin, dnadala niya ang ating krus, kahit na nadadapa tumayo tayo tulad ni Hesus, kaya sa mga deboto ng Poong Nazareno, mas lalo tayong kumapit kay Hesus. Hindi niya pababayaan ang mga pusong nagmamahal sa kanya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Panalangin naman ni Cruz ang patuloy na paghahari ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa puso ng bawat isa.

Ito ay upang magkaroon ng sapat na lakas ng loob at inspirasyon na ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng mga pagsubok.

“Sana’y ang pagtatampok natin sa Krus ni Hesus, masagot ang mga panalangin ng ating mga kababayan at tugunan ang mga panga-ngailangan lalo na nung mga naghihirap. Ipagdasal din natin na maghari si Hesus sa ating bayan at sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit ay mahilom ang mga sugat ng ating lipunan,” ayon naman sa pinadalang mensahe ni Cruz sa Radio Veritas.

Noong 2021, naitala ng Philippine Statistics Authority na umabot sa mahigit 20-milyon ang Pilipinong kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Habang noong 2022 ay labis na naranasan ang mga suliranin sa ekonomiya katulad ng mataas na inflation rate na dulot pa rin ng pandemya na sinabayan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 80,911 total reads

 80,911 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 112,640 total reads

 112,640 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 214,466 total reads

 214,466 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 255,026 total reads

 255,026 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 272,157 total reads

 272,157 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 1,695 total reads

 1,695 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top