Maging missionaries of Saint Therese of the Child Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,000 total reads

Ipagpatuloy ang pangarap at layunin ni Saint Thérèse of the Child Jesus sa mga mananampalatayang Kristiyano sa Asya.

Ito ang hamon ni Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles sa bawat isa kaugnay sa ikalimang pagbisita ng pilgrim relics ni St. Thérèse sa Pilipinas

Ayon kay Archbishop Arguelles, pinangarap ni Sta. Teresita na maglakbay at magmisyon sa Asya upang ipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano at higit na ipaunawa sa mga Asyano ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

“Alam n’yo, si St. Therese kung humaba ang buhay n’ya ay gusto n’ya maging missionary dito sa Asia sapagkat kita n’ya na kailangan ng Asia ang faith. So, we have to continue to fulfill her dreams. We are missionaries of St. Thérèse for the Asian people, especially. Sabi nga ni Pope Francis, ‘maybe not only in Asia but throughout the world’,” pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Arsobispo na karamihan sa mga tao ngayo’y nawawalan na ng pananampalataya at hindi naniniwala sa presensya at kakayahan ng Diyos.

Iginiit ni Archbishop Arguelles na ito ang nakita noon ni Sta. Teresita kaya naman nais nitong ibahagi sa bawat isa ang kanyang buhay na inialay ang puso at kalooban upang tuparin ang pangako ng Panginoon.

“St. Thérèse wants us to live ‘yung talagang kanyang little childhood—the way of love and confidence. Nagtitiwala tayo sa Diyos at alam nating mahal tayo ng Diyos. Many people do not know that kaya nga maraming taong hindi nila alam that God is real, at siya’y talagang responsible sa ating buhay,” ayon kay Archbishop Arguelles.

Dumating ang pilgrim relics ni St. Thérèse sa Shrine of St. Thérèse sa Newport City Complex, Pasay City noong January 2, 2023, at maglalakbay sa 53 arkidiyosesis at diyosesis mula Luzon, Visayas, at Mindanao hanggang April 30, 2023.

Tema ng 5th Visit of the Relics of St. Therese to the Philippines ang ‘Lakbay Tayo, St. Thérèse! Kaalagad, Kaibigan, Ka-Misyon’.

Unang dumalaw sa bansa ang relikya ni St. Thérèse taong 2000 at nasundan noong 2008, 2013, at 2018.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 80,967 total reads

 80,967 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 112,696 total reads

 112,696 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 214,522 total reads

 214,522 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 255,082 total reads

 255,082 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 272,208 total reads

 272,208 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 137,532 total reads

 137,532 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top