Pagtatala ng isang basilica church, pakikilakbay ng panginoon sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,833 total reads

Pinaalalahanan ng arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na ang pagtatalaga ng basilica ng isang simbahan ay tanda ng pakikilakbay ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa pagtalaga ng Minor Basilica of St. Dominic sa San Carlos City Pangasinan.

Paliwanag ng cardinal na ito ay nangangahulugang ugnayan sa pagitan ng St. Dominic Basilica sa Santo Papa Francisco na isang paanyaya sa bawat mananampalataya nang sama-samang paglalakbay bilang isang simbahan.

“Being a basilica church is more than just elegant decorations or grand celebrations. More significantly, it is about concretely signifying the mysterious presence of the Kingdom of God within and among us.” pahayag ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na malaking tungkulin ang gagampanan ng mamamayan sa lugar upang mapagyabong ang biyaya ng pagkaloob ng basilica lalo na sa pagpapaigting ng misyon ng simbahan.

“The gift of being declared a minor basilica comes with a mission and responsibility.” giit ng cardinal.

Batid ng arsobispo na malaking bahagi sa paglago ng kristiyanismo sa San Carlos Pangasinan ang mga Dominikano na nagmisyon noong 1500s.

Ayon sa kasaysayan ang Minor Basilica of St. Dominic ang kauna-unahang basilica sa Asya na nakatalaga sa santo na tagapagtatag ng Order of Preachers o Dominicans.

Dalawang Dominikanong martir din ang naglingkod sa nasabing simbahan na sina Santo Domingo Ybanez de Erquicia na pinaslang sa Nagasaki Japan at San Francisco Gil de Federich na nasawi sa Vietnam dahil sa paninindigan sa pananampalataya.

Ginanap ang elevation rites noong January 14, 2023 na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown kasama ang mga obispo ng Northern Luzon region, mga opisyal ng Dominican communities, mga pari at layko ng lalawigan ng Pangasinan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 951 total reads

 951 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,766 total reads

 22,766 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,327 total reads

 63,327 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,167 total reads

 90,167 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,432 total reads

 138,432 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,482 total reads

 159,482 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top