Simbahang Katolika, bukas sa ibang paniniwala at pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,541 total reads

Tiniyak ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa lahat maging sa ibang paniniwala at pananampalataya.

Ito ang pahayag ng cardinal sa pagdiriwang ng Week of Prayer for Christian Unity ngayong taon na nakatuon sa temang ‘Do Good. Seek Justice.’

Sinabi ni Cardinal Advincula na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa bawat religious group sa layuning pagbuklurin ang pamayanan bilang sambayanan ng Diyos.

“The Church is inclusive. The Church is ecumenical. The Church is in dialogue with other faith traditions. The Church is in dialogue with the whole world. Our goal is Christian unity so that the world may believe,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Inihayag ng cardinal na hindi kinalulugdan ng Panginoon ang anumang gawaing simbahan kung patuloy ang pagtatangkilik sa karahasan at kawalang katarungan sa lipunan lalo na sa mga dukha at naisasantabing sektor.

Iginiit ni Cardinal Advincula na dapat isabuhay ng bawat isa ang mensahe ni Propeta Isaiah na makakamit ang katarungan sa pamamagitan ng pagsasantabi sa karahasan, kayamanan at kapangyarihan sa halip ay pangalagaan ang mahihinang sektor ng pamayanan.

“Ours is an engagement and dialogue that is not limited to beautiful words alone. Ours is an engagement that dares to immerse itself in the stark reality of our world, a world that is wounded by injustice, sin and violence. We proclaim Christ crucified. We likewise proclaim the victory of the Risen Christ,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng arsobispo na sa pagsilang ni Hesus sanlibutan ay nabigyang pag-asa ang mga naisasantabi gayundin ang mga dukha sapagkat niyakap ito ni Hesus nang buong pagmamahal.

Napapanahon din ang pagdiriwang ng Christian unity lalo’t marami sa mga kristiyano sa buong mundo ang nakararanas ng pang-uusig at diskriminasyon dahil sa pananampalataya na ayon sa datos ng Open Doors ay nasa 360-milyon.

Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.

1948 kasabay ng pagtatag ng World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,129 total reads

 3,129 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,877 total reads

 13,877 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,437 total reads

 54,437 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,746 total reads

 81,746 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,011 total reads

 130,011 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,498 total reads

 151,498 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top