Mananampalataya, hinamong gawing bahagi ng buhay ang “Word of God”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,499 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamamayan na bigyang halaga ang Salita ng Diyos.

Ito ang paanyaya ni Laoag Bishop Renato Mayugba, Chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on Biblical Apostolate sa pagdiriwang ng National Bible Month.

Ayon sa Obispo, ang Salita ng Diyos na nailathala sa bibliya ay gabay sa bawat mananampalataya sa kaganapan ng buhay gayundin ang pundasyon sa matibay na pananampalataya sa Panginoon.

“May I, encourage everybody to make the Word of God a part of your life, a part of your homes; on this sunday of the Word of God it is nice for everybody to highlight the importance of the Word of God sa ating buhay.” pahayag ni Bishop Mayugba sa panayam ng Radio Veritas.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “The Word leads to the Way, the Truth, and the Life,” na hango sa sipi ni San Juan at Propeta Isaiah.

Binigyang diin ni Bishop Mayugba na ang Salita ng Diyos ay daan tungo sa landas ni Hesus na nararapat tangkilikin ng mamamayan lalo ngayong laganap ang fake news at disinformation.

“Ngayong ang buong mundo ay napakaraming fake news and everything…ang pinakatotohanan, the message of truth ay manggagaling sa bibliya sa Salita ng Diyos.” giit ni Bishop Mayugba.

Bukod pa rito ang buhay na walang hanggang ipinangako ng Panginoon sa bawat isa na mas mapagyabong ang paghahanda sa pamamagitan ng pagbabasa at pagninilay sa bibliya.

Kamakailan ay pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican ang word conference kung saan hinimok ang bawat mananampalataya na ugaliin ang pagbabasa ng bibliya.

Taong 1982 nang ideneklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang National Bible Sunday sa huling Linggo ng Nobyembre na inilipat ni dating Pangulong Corazon Aquino sa Enero habang pinagtibay naman ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang lagdaan ang Proclamation No. 124 na nagdideklarang National Bible Day ang huling Lunes ng Enero.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,484 total reads

 1,484 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 11,172 total reads

 11,172 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 51,732 total reads

 51,732 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 79,148 total reads

 79,148 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 127,413 total reads

 127,413 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 149,031 total reads

 149,031 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top