Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,626 total reads

Muling umapela ang Santo Papa Francisco sa mananampalataya na ipanalangin ang pagkakaisa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pope Francis sa Angelus kung saan tinukoy nito ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Ukraine, Peru, Cameroon at sa iba pang lugar.

Nanindigan ang santo papa na kailanman ay hindi nakatutulong ang karahasan sa pagkakamit ng mapayapang pamayanan kundi magdudulot lang ito ng pagkakawatak-watak ng mamamayan.

“Violence extinguishes the hope of a just solution to the problems. I invite you to pray that the acts of violence may cease.” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Matatandaang Disyembre 2022 nang magsimula ang kaguluhan sa Peru nang mapatalsik sa puwesto si President Pedro Castillo at tangkang pagpapasara sa kongreso kasabay ang panawagang magkaroon ng eleksyon.

Samantala, sa halos isang taong sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay mahigit sampung libong katao na ang nasawi na karamihan ay mga inosenteng sibilyan sa bilang na pitong libo.

Apela ni Pope Francis sa lider ng mga bansa na gumawa ng hakbang na mawakasan ang kaguluhan dahil labis itong nakasira sa pamayanan at ang lumalalang epekto sa pandaigdigang ekonomiya.

“I encourage all the parties involved to undertake the path of dialogue between brothers and sisters of the same nation, in full respect of human rights and the rule of law.” ani ng santo papa.

Patuloy ang paninindigan ng simbahang katolika sa pagsusulong ng dayalogo upang manatiling magbuklod ang mamamayan para sa kabutihan ng buong lipunan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,456 total reads

 1,456 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 11,128 total reads

 11,128 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 51,688 total reads

 51,688 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 79,105 total reads

 79,105 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 127,370 total reads

 127,370 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 148,990 total reads

 148,990 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top